Kabanata LX: Talaksan
----
Huadelein's PoV
Kapapasok ko pa lamang ng paaralan at hawak ko ang isang pumpon ng bulaklak habang naglalakad sa pasilyo, patungo sa madalas na tagpuan namin nila Azerine at ng iba pa.
Pumasok ako ng cafeteria at naaninag ko agad sila Georgia, kasama ang iba ko pang mga sandig. Ako'y nagtungo agad sa kanilang dako.
"Boss, ba't may bulaklak ka? Kanino galing 'yan?" Bungad sa akin ni Azerine, na waring sinusuri ang bagay na aking hawak.
"Oo nga, sino nagbigay sa'yo niyan Ganda?" Sunod na tanong pa ni Whisky.
"May nag-abot lamang nito sa'kin, pinibibigay raw ni Mr. G."
"Mr. G. ? As in 'yong mysterious guy na nag-iwan din sa'yo ng bulaklak at note?" Tanong ni Azerine.
"Oo, Mr. G raw eh."
"Sandali nga boss, parang iba na 'yan ah," wika ni Tres.
Ako'y napaisip sa iwinika ni Tres. Anong ibig niyang sabihin?
"Sino ba 'yang Mr. G na 'yan? ---baka kasi mamaya may ibang agenda sa'yo 'yan boss," ani pa ni Jace.
"Oo nga, di natin masasabi na okay ang Mr. G na 'yan kahit may pa-bulaklak pa," saad pa ni Bacon.
"Tama sila Ganda, kaya ingat ka sa Mr. G na 'yan," wika ni Georgia na aking binalingan.
"Oo naman Georgia, mag-iingat ako," aking wika.
Lumapit sina Rica at Whisky sa akin at tiningnan ang hawak kong bulaklak.
"Pero bilib ako kay Mr. G ang gaganda ng mga roses na itey, red, white and pink," saad ni Whisky.
"Sino nga kaya si Mr. G ano?" Tanong ni Rica.
Sino nga kaya si Mr. G. ? Sino ka ba Mr. G na nagkukubli sa isang iyong maiikling sulat at sa iyong mumunting bulaklak?
Bai Helena's PoV
Kanina pa panay ang sulyap sa akin ni Zero, habang kami'y nasa bulwagan kaharap sina Baba at ang Dayang. Nasa aking tabi naman si Prince habang hawak ang aking kamay. Wari naman ako'y masunurin na anak sa harap ng aking ama, nais ko man umalis ay hindi ko magawa dahil sa hiling ng lalaking ito sa aking Baba na lubos kong hindi maibigan.
"Ano sa tingin mo mahal kong Rajah? Kailan ang kanilang kasal?"
Napabaling ako sa Dayang na bruha katabi ang bago niyang tagasilbi na may tabon sa mukha, at halos mata lamang nito ang iyong makikita. Hindi ko alam kung saan humuhugot ng lakas ng loob ang babaeng ito upang magsalita ng ganyang mga bagay. Sino siya sa akala niya?
"Aking ipauubaya ang kasagutan riyan sa iyong pamangkin mahal ko, ---anong sa iyong palagay Prince?" Tanong ng aking ama sa aking katabi.
Hindi pa man tumutugon ang lalaking ito ay lubos na ang aking sama ng loob. Hindi siya ang nais kong makaisang-dibdib.
Ngumiti siya atsaka tumugon, "nais kong maganap ang aming kasal sa lalong madaling panahon, Kapunuan."
![](https://img.wattpad.com/cover/255303176-288-k242130.jpg)
BINABASA MO ANG
Huadelein Delzado "Ang Bai"
Teen FictionManiniwala ka ba? Na sa modernong panahon natin ngayon ay may isang tradisyon pa rin ang nananatili sa isang puod na pinamumunuan ng isang Rajah? At may mga anak na Binukot at isang Ginoo? Ang tradisyon at kulturang ito ay panahon pa ng ating mga ni...