Kabanata LXI: Mapusok Na Paraan Ng Bai

27 0 0
                                    












Kabanata LXI:  Ang Pagiging Mapusok na Paraan Ng Bai





--




Lyka's PoV


Malayo pa lang alam kong siya 'yon, sa tindig at kilos alam kong si Dos 'yon. Ngayon palang parang nanlalambot na 'ko, maganda siya'ng lalaki at siya ang pinapangarap kong boyfriend. First year pa lang ako crush na crush ko na siya. Sino bang di magkakagusto sa kanya? Matangkad, gwapo, matangos ang ilong, may mapupulang labi na kapag ngumiti kahit na sinong babae maaakit at manlalambot, bad boy, matalino, higit sa lahat mabango, dagdag pa na may mapupungay din siyang mga mata. Ika nga gwapings na gwapings!.


Kaya hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa'kin, lalo na nakikita ko na palagi niyang kinukulit si Huadelein talagang nagseselos ako. Ang babaeng 'yon! Tomboy na nga nakukuha niya pa ang atensyon ni Dos. At 'yong malanding si Ireah, na naghihintay lang din ng biyaya. Anong akala niya? Pakakawalan ko si Dos?


Paano nga ba naging kami ni Dos?


Simple lang, 'yong dapat na makakadate niya no'ng gabi na naghiwalay sila no'ng tomboy, kaibigan ko talaga ang na contact ni Cleo. Eh, na chika sa'kin ng babaeng friend ko na 'yon sabi ko...





~~Flashback~~


"Girl, baka pwedeng sa akin na lang ang friend ni Cleo? Crush na crush ko kasi 'yon"


"My gosh! Girl! Type ko pa naman ang boylet na 'yon, pero sige na nga basta balitaan mo 'ko after niyo magdate ah"


"Ikaw pa ba girl? Oh siya! Magre-ready muna ko para sa date ko"


~~End of flashback~~




Well, no'ng una talaga ayaw sa'kin ni Dos pero syempre ginawa ko lahat para maakit siya no'ng gabing 'yon, 'yon nga lang--- wala talaga sa'min nangyari. Naging mag-on kami kahit na rebound lang ako.



"Anong sasabihin mo Lyka?"


Hindi ko man lang namalayan na nakatayo na pala siya sa harap ko, nakapamulsa ito at hindi man lang ako binabalingan.


Pa'no ko ba sasabihin? Na ayaw kong makipaghiwalay sa kanya? Nakipaghiwalay siya sa'kin sa chat lang. At 'yon ang hindi ko matanggap, ganoon na lang ba 'yon? Makikipaghiwalay siya sa'kin sa chat lang?


"Dos, about sa chat mo na breakup nakikipag-break ka ba talaga sa'kin?" Hindi ko alam pero para 'kong desperada sa tanong ko.


"Oo," maikling sagot niya.


Literal na nasaktan ako sa simpleng sagot niya'ng "Oo". Ganoon lang ba talaga kadali 'yon sa kanya?


"Pero bakit? May nagawa ba 'ko na ayaw mo? Simula no'ng nagbakasyon hindi muna ko pinansin"



"Bago pa mag sembreak nakipag break na 'ko sayo hindi ba?"



Naalala ko na.






~~Flashback~~


Huling araw ng pasok bago ang bakasyon...


Huadelein Delzado "Ang Bai"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon