Kabanata XXXIX: Ang Pagputol Sa Ugnayan

52 11 63
                                    











Kabanata XXXIX: Ang Pagputol Sa Ugnayan




--




Huadelein's PoV




"Dos... Pinuputol ko na ang ating ugnayan..."



"A-ano?"


"Binibining Delzado at Ginoong Zeryozo! Ano at diyan kayo nag-uulayaw?" Biglang tanong sa amin ni Ginoong Quinis, na kararating pa lamang habang nakapamaywang ito at sabay bukas ng kanyang pamaypay na kulay rosas.


"Ginoong Quinis naman, Jowa time eh," wika ni Gunggong kay Ginoong Quinis.


"Anong jowa time! Jowa time? Filipino time ngayon Ginoong Zeryozo! Ano hindi ka na makapag hintay ng uwian ha? Mamaya na 'yang lambingan! May klase tayo ngayon, hala! Pasok!" Anito sa amin, ngunit napansin ko ang maliit na ngiti sa akin ni Ginoong Quinis at kumindat pa sa akin at bumulong pa ito.


"Binibining Delzado mamaya na ang inyong lambingan," bulong nito, at nakangiting lumakad papunta sa harap.


Lumakad na kami ni Dos at kanya-kanyang nagtungo sa aming mga upuan.


Habang nagsasalita si Ginoong Quinis sa harap ay naupo sa aking tabi si Azerine at nagtanong ito agad.


"Boss, ano kumusta kayo ni Dos?" Tanong niya, habang ang paningin nito ay nakatuon kay Ginoong Quinis na nagsasalita sa harap.


"Mamaya ko na lamang siguro siya kakausapin Azerine."


"Eh, paano 'yan boss? Kaya mo kayang gawin ang iwasan si Dos?"


"Hindi ko alam Azerine, ngunit ngayon pa lang ay nadudurog na ang aking puso, habang iniisip ko pa lamang kung ano ang kanyang magiging reaksyon kapag pinutol ko na ang aming ugnayan," aking wika na halos mamaos dahil sa nagbabadyang luha.


"Boss, ang maipapayo ko lang kayanin mo kasi malaki ang nakasalalay sa misyon natin ngayon, hindi ka makakapag focus kung may iniisip kang mapapahamak lalo na taong mahal pa natin di ba? Kaya boss kayanin mo sana."


"Batid ko iyan Azerine, sinabi ko naman talaga kay Dos--- ang kaso ay bigla nang dumating si Ginoong Quinis," aking saad, at hinawi ang butil ng luha sa aking kanang gilid na mata.


"Minsan talaga epal talaga 'yan si kalbo eh! 'Yon tipong 'yon na 'yon oh! Sasabihin mo na oh! Tapos biglang may eepal na kalbo!"


Hindi ko naunawaan ang sinabi niyang 'epal'.


"Sandali nga Azerine, ano ang salitang 'epal'?"


"Boss, tingnan mo lang si sir Quinis 'yang kalbong 'yan! Siya mismo ang dipinisyon ng salitang 'epal' !" Tugon niya.


"Ngunit ano nga ba iyon?" Tanong ko, habang pinagmamasdan si Ginoong Quinis.


Ano ba ang salitang 'epal' na sinasabi ni Azerine?


"Boss, basta si sir mismo ang kahulugan!"



Paano ko malalaman hindi ko naman alam ang kahulugan ng salitang 'epal' si Azerine talaga.










Huadelein Delzado "Ang Bai"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon