Kabanata LXIX: Si Zero ang Katipan ni Helena II
--
Humarap ang matikas na Lakay sa magandang binukot.
"Zero, o tawagin mo na lamang akong Lakay. Binibining Helena," wika ng binata, atsaka kinuha ang kamay ng dalaga at hinalikan ito.
Hindi nagtagal ay, nagkaroon nang matamis na pagtitinginan ang Ginoong Lakay at Bai Helena sa isa't-isa.
Tuwing hapon bago bumalik sa kanyang bukot si Bai Helena galing sa pook dalanginan, ay nagkakaroon sila ng maikling sandali upang makapag-usap. Napakaikling oras, ngunit ito'y sapat na upang makita ni Lakay ang Bai.
Ngunit dumating ang panahon na natapos ang pamamalagi ni Zero sa puod ng Rajah, kinailangan niya nang umalis dito. Sa huling araw ng kanyang pamamalagi rito, ay dito niya sasabihin ang kanyang nais na gantimpala.
Ang hingin ang kamay ni Helena, at pakasalan ito sa tamang panahon.
Ngunit nang siya'y magtutungo sa Rajah bago pa man ito magtungo sa bulwagan, ay nakita niya si Prince at Helena sa pasilyo na waring nagkakaunawaan.
Matiyagang naghintay ang binata hanggang sa makaalis si Prince, atsaka niya nilapitan ang Bai.
"Helena—"
Tinawag niya ito ngunit tila hindi siya narinig dalaga.
"Helena! Mag-usap tayo." Harang niya sa dalaga.
"Paumanhin, Zero, ngunit wala akong oras na sa iyo'y makipag-usap pa," wika ng dalaga.
"Dahil ba kay Prince?"
Hindi nakaimik ang Bai.
"Ano 'yong nakita ko, Bai Helena?" Tinitigan ng Ginoo ang Bai sa mga mata nito, ngunit hindi ito makatingin sa kanya.
"Bakit? Hindi ka makasagot?"
"Paumanhin, Lakay, ngunit naghayag ng panliligaw si Prince sa akin," saad ni Bai Helena.
Halos matinik ang damdamin ng Ginoong Lakay nang marinig ang sinabi nito, ngunit hindi niya akalain na nanliligaw pala si Prince kay Bai Helena.
Para kay Zero ay kahibangan ang sinabi ni Helena, pagkat batid niya na kailanman ay hindi niya nakitang matino ang Prince na yaon pagdating sa babae.
"At ano ang iyong itinugon, aking Binibini?" Tanong ng Ginoo.
Matagal bago tumugon ang dalaga, tinitigan niya si Zero sa mga mata nito na nangungusap.
"Ako'y pumayag, na ako ay kanyang ligawan sapagkat batid ko na gusto ko siya," tugon niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/255303176-288-k242130.jpg)
BINABASA MO ANG
Huadelein Delzado "Ang Bai"
Fiksi RemajaManiniwala ka ba? Na sa modernong panahon natin ngayon ay may isang tradisyon pa rin ang nananatili sa isang puod na pinamumunuan ng isang Rajah? At may mga anak na Binukot at isang Ginoo? Ang tradisyon at kulturang ito ay panahon pa ng ating mga ni...