Kabanata XXVI: Ang Puso Ni Azerine

100 33 8
                                    








Kabanata XXVI: Ang Puso Ni Azerine




--




Huadelein's PoV


Ilang araw ko ng binabalewala ang mga sandig ng aking ama, at nahahalata ko na ang pagtataka sa kanilang mukha sa tuwing pumapasok ako ng paaralan. Isa lamang ang kahulugan nito na gumagana ang aking ginagawa.


Naaninag ko sila Georgia sa malayo na mukhang papalapit ngayon sa aking kinaroroonan, kasama niya sina Whisky at Rica.


"Ganda! Andito ka lang pala sa garden, kanina ka pa namin hinahanap," wika ni Georgia, na humahangos nang makalapit na ito sa akin.


"Bakit? Anong meron?" Aking tanong.


Nanatili akong nakahiga sa damo habang nakatingin sa kanila.


"Wala tayong klase ngayon kay ma'am Augusta, pero gagawa tayo ng Booth para sa Friday," saad ni Whisky.


Wala naman akong interes sa bagay na iyon.


"Tara na Ganda, tayo na diyan! Para naman kahit papaano may attendance tayo," wika ni Rica, at hila sa aking bisig.


Wala nga'ng klase kay ma'am Augusta ngunit kailangan pa rin gumawa ng Booth para may attendance ngayong araw. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga sa damo atsaka ko isinukbit ang backpack ko sa balikat.


"Sige, tayo na!" Aking wika sa kanila.


Nag umpisa na kaming lumakad, napansin kong halos lahat ng mga mag-aaral na 4th year ay abala sa paggawa ng kanya-kanyang kubol ng mga seksyon.


"Ang daming busy ngayon sa pag papractice sa Battle of the Bands," wika ni Georgia. Habang nakatuon ang mga mata nito sa paligid at nakita ko nga'ng may mga abala nga sa pagtugtog.


"Oo nga eh! Ang g-gwapo ng mga drummer," ani ni Rica.


"Ah basta ko! Do'n ako sa bokalista na cute!" Dagdag pa ni Whisky na kinikilig?


"Ikaw Ganda? Wala ka bang type sa mga sasali sa Battle of the Bands?" Tanong ni Georgia sa akin.


At paano naman iyon mangyayari? Wala naman akong kakilala sa sinabi ni Georgia na mga sasali sa Battle of the Bands, at kung mayroon man ay wala pa rin akong magugustuhan.


"Wala," aking simpleng tugon.


Sandaling lumingon sa akin si Georgia.


"Alam mo Ganda iisipin ko ng tomboy ka haha," saad ni Whisky na tumawa pa.


Ano ang nakakatawa roon?


"Oo nga, di ka man lang nagkaka interes sa mga papabols," dagdag pa ni Rica.


May suliranin ba roon? Kung wala akong tipo sa kanilang tinutukoy na sasali sa Battle of the Bands? Sa aking hinuha ay wala naman suliranin roon.


"Siguro dapat hanapan natin si Ganda ng papabols para naman everybody happy!" wika ni Whisky, na ang taas ng enerhiya. Na hindi ko lubos maunawaan, para saan ba ang kanilang sinasabi?


"Yes! Tama! Let's volt in!" Sang-ayon ni Rica, na ang taas rin ng enerhiya.


Sandali silang sumayaw at pinagbangga ang kanilang mga baywang at sabay nilang wika ng malakas ng--


Huadelein Delzado "Ang Bai"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon