Kabanata XXIV: Ginoong Isagani

166 34 14
                                    







Kabanata XXIV: Ginoong Isagani




--




Huadelein's PoV


Nagsusukatan ng tingin sina Gunggong at si King, muli ay napagigitnaan nila ako sa mesa sa labas ng silid-aralan, kung saan nakalagay ang gamit ni Ginoong Quinis sapagkat pinalabas din ako nito. Bakit ba ako nadamay rito?


"Ano? Binibining Delzado? Hindi mo pa rin ba sila napag-aayos?" Tanong ni Ginoong Quinis sa akin.


Paano naman sila magkaka-ayos sa kanilang lagay ngayon na kapwa masama ang tingin nila sa isa't-isa? At hindi ko batid kung magkakaayos nga sila.


"Sa aking sapantaha Ginoo ay mukhang hindi pa rin sila nagkaka-ayos, bigyan niyo pa po kami ng ilang minuto pa," aking tugon kay Ginoong Quinis.


"Sige Binibining Delzado, dalawampung minuto pa bago pa ang oras ng uwian, pero bago dapat mag-uwian ay magkaayos na ang dalawang iyan." Atsaka ito umanyong tumalikod sa amin at pumasok sa silid-aralan.


Nagsusukatan pa rin ng tingin ang dalawa, tila sasakit ang aking ulo sa kanila.


"Hindi pa rin ba kayo magkaka-ayos?" Tanong ko sa dalawa.


"Maayos naman akong kausap, Binibini-- ngunit si Zeryozo ay masyadong matigas at ayaw makipag-ayos," wika ni King.


"Bakit ako magkikipag-ayos sa tulad mong gag*! Na tumitingin sa babaeng may nag mamay-ari na!" Tugon naman ni Dos, na tila sasabog sa galit.


Dumikwatro ng pagkakaupo si King atsaka humarap sa aking dako atsaka ito muling nagsalita.


"Sa pagkakaalam ko single si Huadelein... Ibigsabihin wala pang nagmamay-ari sa kanya," Wika nitong nakangiti, nakapalumbaba ito at pinagmamasdan ako.


"Kasasabi ko lang na huwag kang tumingin sa kanya!" Mariing bulong ni Gunggong na bahagya pang inilapit ang mukha niya kay King.


"Oh! Napipikon ka na naman Zeryozo alam mo kung gusto mong--" Hindi ko na pinahintulutan pa si King na magsalita.


"Tumigil na kayong dalawa!" Saway ko sa kanila, ngunit napansin kong kapwa sila tumayo sa kanilang inuupuan.


Mukhang magbubuno silang dalawa, waring may kidlat sa pagitan ng kanilang pagsusukatan ng tingin.


"Hindi pa ba sapat na narito tayo sa labas? At nais niyo pang ipagpatuloy iyan?" Aking tanong, habang ako ay nanatiling nakaupo.


Naupo naman sila nang sabihin ko iyon, ngunit nanatiling nakatuon ang paningin ni King sa akin. Ano bang suliranin ng isang ito?


"Maaari ba na huwag mo sa akin ituon ang iyong paningin Ginoo," aking pananaway sa kanya.


"Pasensya na Binibini, kung iyan ang iyong nais ay siyang masusunod," aniya.


"Mag-ayos na kayong dalawa kung maaari lang, sapagkat nais ko ng magsulat at makauwi," aking wika.


Napansin kong inilahad ni King ang kanang kamay nito kay Dos, noong una tiningnan lamang niya ang kamay ni King at hindi rin naman nagtagal ay nakipagkamay na siya rito.


Tumayo na ako at pumasok ng silid-aralan.


"Oh! Ayos na ba?" Tanong ni Ginoong Quinis.


Huadelein Delzado "Ang Bai"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon