Kabanata LVI: PAMAMANGKAW II
--
Huadelein's PoV
"Delzado's!"
"Zeryozo's!"
Hiyaw ng aking tatlong mga sandig na amasona, pasaway talaga ang mga ito pagpustahan ba naman kung sino ang magwawagi sa dalawang pangkat.
Patuloy lamang ang pakikipagtatagisan ng kampilan ng dalawang pangkat, sa unang pangkat ay sina Dos, Cleo, at Argo. Nang dumating kami kanina ang nagtatagisan ay sina Dos at Cleo, ngunit sumali ang aking tatlong sandig na sina Jace, Tres at Bacon kung kaya't upang maging patas ang laban ay nadagdag si Argo sa hanay ni Dos.
Hiyaw ng mga mandirigmang saksi ang nangibabaw nang mapabagsak ni Argo si Bacon, at ang kanyang kampilan ay nakatutok sa aking sandig na ngayon ay nasa lupa.
"Paktay! Nadali si pareng Bacon" saad ni Azerine.
"Di pa kasi sanay si Bacon sa kampilan" ani pa ni Hope.
Samantalang ako ay nanatiling tikom ang bibig at nagmamasid kung ano ang sunod na mangyayari.
Ngunit mabilis na kumilos si Bacon, at sinalag ang kampilan na nakatutok sa kanya dahilan upang maghiyawan muli ang mga mandirigma.
"Galing ni Bacon!" Ani ni Hope.
"Mukhang may laban ang kusinero natin ah" Saad pa ni Azerine.
Nagpatuloy sina Argo at Bacon sa kanilang tunggali. At napansin kong nakasulyap sa akin ang isang Ginoo, at agad ko itong iniwasan.
Bai Liwayway's PoV
Ngayong gabi gaganapin ang Pamamangkaw, ito ang napagkasunduan ng aking amang Datu at ng Rajah. Naninibago ako sa aking kasuotan ngayon, pagkat animo'y nabitin sa tela ang aking suot. Mahaba nga ang saya ngunit kita naman ang tiyan, baka ako'y kabagin nito. Ngunit tila baga nag-iba ang aking wangis dahil sa mga palamuting bulawan.
May pumasok naman na isang tagasilbi sa pinto at may dala na isang napakagandang tampipi.
"Paumanhin, ngunit ano ang nilalaman ng tampiping iyan?" Aking tanong.
"Bai, naglalaman ito ng iyong kasuotan, ito ang iyong susuotin ngayong gabi sa Pamamangkaw ng aming Ginoo." Tugon niya.
"Kung gayon, ay daghang salamat."
"Hintayin mo na lamang si Milan, Bai. Siya ang mag-ayos sa iyo" aniya. Nginitian ko na lamang siya bilang tugon.
Ngunit nasaan kaya si Milan? Hanapin ko na kaya siya? Pagkat tila wala naman ibang mag-aayos sa akin kundi si Milan lamang.
Mahanap nga si Milan.
Pinihit ko ang seradora ng pinto, atsaka lumabas napansin kong walang mga bantay kung kaya't nagpatuloy lamang ako sa aking paglalakad. Ngunit bakit napakalawak naman ng pasilyo? Baka ako'y maligaw nito.
Lumakad pa ako at napunta sa isang napakalawak na pasilyo, ni wala man lang bantay rito, kanino ako magtatanong? Ganito ba talaga rito? Ang laki ng balay ngunit walang tao. Aba, tulungan niyo ako, saan ko ba mahahanap si Milan? Mainam pa kaya ay bumalik na lamang ako sa silid? Ngunit minasdan ko ang paligid, sa laki nito ay hindi ko na alam kung saan ang daan pabalik sa silid. Paano na ito?
![](https://img.wattpad.com/cover/255303176-288-k242130.jpg)
BINABASA MO ANG
Huadelein Delzado "Ang Bai"
Novela JuvenilManiniwala ka ba? Na sa modernong panahon natin ngayon ay may isang tradisyon pa rin ang nananatili sa isang puod na pinamumunuan ng isang Rajah? At may mga anak na Binukot at isang Ginoo? Ang tradisyon at kulturang ito ay panahon pa ng ating mga ni...