Kabanata LIII: Ang Binukot ni Datu I-tim

40 2 0
                                    












Kabanata LIII: Ang Binukot ni Datu I-tim




--






Bai Huada's PoV



Kasalukuyan ay kasama namin ngayon ang Ginang patungong balay ng kanyang sinasabi na Datu I-tim. May kalayuan na rin ang aming nalalakad, mabuti nga at may kalimliman ang pook, napalilibutan ito ng mga mayayabong na puno pagkat mataas na ang sikat ng araw.



Huminto ang Ginang sa isang may kalakihang balay na kubo.



"Naririto na tayo," pagwika noon ng Ginang, ay isang may edad na lalaki ang lumabas sa balay. Suot nito ang tradisyunal na kasuotan ng Panay.



"Ano ang iyong ginagawa rito, Saraw?" Tanong ng lalaki, na tila ang tinatanong nito ang Ginang.



"May naghahanap sa inyong anak na Binukot, Datu," wika ng Ginang.



"At bakit nila hinahanap ang aking anak na Binukot?"



"Upang makaisang-dibdib ang inyong anak ng isang Ginoo," saad ng Ginang.



"Makaisang dibdib ang aking anak!? At nasaan ang Ginoo na iyong tinutukoy, Saraw? Isa ba sa kanila?" Tanong ng Datu na dumako sa amin ang paningin nito.



"Paumanhin, Datu. Ngunit hindi namin kasama ang Ginoo, ang aking kapatid," aking tugon.



"Kung gayon, ikaw ang naghahanap sa aking anak? Ang lakas ng loob mo pumarito, ngunit hindi niyo kasama ang Ginoo na naghahanap ng kanyang mapapangasawa," maanghang nitong wika, inaasahan ko na ito ngunit hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kaunting sindak.



"Paumanhin, Datu. Kung isang kalapastanganan ang aming pagparito at wala ang aking nakatatandang kapatid."



"Saan lahi ba kayo nagmula? At tila bahag ang buntot ng iyong kapatid upang humarap sa akin, sa ama ng Binukot na nais niyang hingin ang kamay."



"Humihingi ako ng paumanhin, Datu. Kung wala ang aking kapatid, siya'y abala sa pangangasiwa ng hanap-buhay ng aming puod, kung kaya't ipinagkatiwala niya sa akin ang paghahanap sa Binukot na kanyang makakaisang-dibdib," aking muli na paghingi ng paumanhin.



"Sino ba ang Rajah, Datu o sultan ang may ahop sa inyo? At tila sa iyong wangis Binibini ay hindi ka isang ordinaryong babae lamang," wika ng Datu.



"Paumanhin, Datu. Ako ang siyang tutugon sa inyong mga tanong. Ang inyong kaharap ngayon ay isa sa mga anak na Binukot ni Rajah Bagani," wika ni Winston.



"Anak ka ng Rajah Bagani? Isa kang Binukot!?"













Argo's PoV




"Aaaah!"




"Tulooong!"




Huadelein Delzado "Ang Bai"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon