Kabanata LXIII: Bisita
--
Bai Liwayway's PoV
"Ano ang iyong nais ipakahulugan, Bai Helena?"
Huminga siyang malalim bago tuluyang tumugon. "Dayang, ako'y nakatakdang ipakasal sa pamangking hilaw ni Lilibeth sa mga susunod na buwan."
"Sa pamangkin ng Dayang Lilibeth?"
"Oo. Dayang, sa pamangkin niyang si Prince."
"Paumanhin, Bai Helena ngunit hindi ko pa nakikita ang iyong sinasabi na Prince— ngunit sa aking nababasa sa iyo ay hindi mo siya gusto at hindi mo ibig na siya'y makaisang-dibdib."
"Siya'y masamang lalaki Dayang."
"Paano mo ito nasabi, Bai?"
"Kung hindi mo kilala si Lilibeth, ay siya mong dapat mabatid na hindi mabuting tao ang Dayang at pamangkin nitong si Prince— ang nais niya'y kayamanan lamang," saad niya.
"Kayamanan?"
"Oo. Noon ay nasilaw ako sa kanyang mga ipinapakita, binibigyan niya ako ng mga regalo na galing sa labas ng puod mga magagandang damit, alahas, at kung anu-ano pa. Lahat iyon ay para lamang pala sa kanyang pamangkin."
"Para sa kanyang pamangkin?"
"Oo, Dayang Liwayway. Dahil batid niya na maraming kalokohan ang kanyang pamangkin sa labas at upang pagtakpan iyon ay kung anu-anong mga bagay ang ginagawa ni Lilibeth upang ako'y maaliw," saad niya.
"Ang ibig mong sabihin ay masama siya?"
"Oo, masama sila. Sila'y lihim na kaaway na nananahan sa ating puod na hindi naman dapat! Kung kaya't nais kitang paalalahanan Dayang, na asawa ng aking kapatid— na ikaw ay mag-iingat sa babaeng iyon," wika niya.
"Kaya pala tila nararamdaman ko na hindi niya ako gusto—"
"Lahat naman ay kinapupuotan at niya at kina-iinggitan."
Azerine's PoV
Kabababa ko lang ng motor at tatanggalin ko na sana ang helmet na nasa ulo ko, nang tanggalin niya ito ng kusa.
"Ako na po, ma'am," nakangiti niyang sabi.
"Hehe! Salamat sa paghatid ah," sabi ko nang matanggal niya na ang helmet.
"Sige ingat ka," sabi niyang nakangiti.
"Ay! Teka lang! 'Yong bayad ko kunin mo," sabi ko, at dudukot na sana sa bulsa ko nang—
![](https://img.wattpad.com/cover/255303176-288-k242130.jpg)
BINABASA MO ANG
Huadelein Delzado "Ang Bai"
Genç KurguManiniwala ka ba? Na sa modernong panahon natin ngayon ay may isang tradisyon pa rin ang nananatili sa isang puod na pinamumunuan ng isang Rajah? At may mga anak na Binukot at isang Ginoo? Ang tradisyon at kulturang ito ay panahon pa ng ating mga ni...