Kabanata XXXVII: Ang Maisog Na Bai II
--
Huadelein's PoV
Nakatutok ang aking kampilan sa leeg ni Nemesis at wala akong balak alisin ito hanggat hindi ito humihingi ng tawad kay Milan, nakatuon ang aking paningin dito at ako'y naghihintay na siya'y magsalita, wala akong pakialam kung ilang mga matataas na kalibre ng baril pa ang nakatutok sa akin-- ang mahalaga ay humingi ng tawad ang lapastanga'ng ito sa aking tagasilbi na aking itinuturing na pangalawang ina.
Ngunit sa sandali nang aking paghihintay ay may narinig kaming boses.
"Kailangan bang humantong ito sa ganitong bagay? Nemesis? Huada?" Tanong niya, na nananatiling nakaupo katabi ang Dayang.
"Nemesis, pakiusap-- utusan mo ang iyong mga mandirigma na ibaba ang kanilang mga sandata," wika ni Ubu Isagani, na ngayon ay nakatayo na ito.
"Utusan mo muna ang aking mapapangasawa--- na ilayo sa akin ang matalas na kampilan niya," aniya.
"Hindi ko ibababa ang aking kampilan hanggat hindi ka humihingi ng tawad kay Milan!"
"Pakiusap Bai, t-tama na," ani ni Milan, na nagsusumamo sa akin upang itigil ko na ito.
"Huada, ano ang iyong ginagawa?" Tanong ng aking amang Rajah. Sa halip na balingan ang aking ama ay hindi ko ito pinansin, mas mahalaga ngayon ang dangal ni Milan.
"Ang lalaking ito ay tinawag na alipin ang aking itinuturing na pangalawang ina, at ang nais ko ay humingi ito ng tawad!" Aking tugon sa aking ama.
"Si Nemesis ay isang Ginoo, Huada! Kaya hindi mo ito maaaring ipag-utos sa kanya na humingi ito ng tawad sa iyong tagapagsilbi na si Milan, itigil mo na ang sigalot na ito!" Singhal sa akin ng aking ama, ngunit tila hindi ako natinag sa kanya sa halip ay pinag-igihan ko pa ang pagtutok ng kampilan sa lalaking aking nasa harapan.
"Kung gayon--- na hindi niya magawang igalang at humingi ng tawad sa taong malapit sa akin, ay hindi kami magkakasundo ng lalaking ito-- kung gayon lang din na hindi siya hihingi ng tawad sa aking itinuturing na pangalawang ina ay pinuputol ko na ang inyong napagkasunduan Ama! Hindi ako makikipag isang dibdib sa lalaking ito--" aking mariing wika at inilapit ko pa sa leeg nito ang aking sandata, "--mabuti pa at kitlan kita ng buhay dahil sa iyong paglapastangan sa aking malapit na tagasilbi---"
Naramdaman kong hinawakan ng mahigpit ni Milan ang aking kamay.
"Huada, aking kapatid huwag mong ituloy iyan," wika ni Ubu Isagani, lumapit ito sa amin at pumagitna.
Napansin kong nakangiti lamang ang aking ingkong habang pinagmamasdan ang nagaganap ngayon, at ang Dayang ay bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala sapagkat hindi na ito maipinta, natatakot ba siyang kitlan ko ng buhay ang kanyang pamangkin? Marapat lamang! Sapagkat isang lapastangan ang pamangkin niyang hito!
"Bagani, pigilan mo ang iyong anak mapapatay niya ang aking pamangkin," wika ng Dayang sa aking ama, na hindi na mapakali at hindi na malaman ang kanyang gagawin.
BINABASA MO ANG
Huadelein Delzado "Ang Bai"
Roman pour AdolescentsManiniwala ka ba? Na sa modernong panahon natin ngayon ay may isang tradisyon pa rin ang nananatili sa isang puod na pinamumunuan ng isang Rajah? At may mga anak na Binukot at isang Ginoo? Ang tradisyon at kulturang ito ay panahon pa ng ating mga ni...