Kabanata XVIII: Calla

85 31 4
                                    








Kabanata XVIII: Calla




--



Azerine's PoV


Araw ng lunes at narito sa condo ko ang tomboy na si Hope, ano na naman kaya ang problema ng isang 'to? At napasindi pa ng yosi, agad siyang humithit at bumuga ng usok.


"Ano ba talagang sinadya mo rito Hope, ha?" Tanong ko, habang nagtitimpla 'ko ng kape.


"Baka kasi mabigla ka sa sasabihin ko... Kaya gusto kong ikalma mo muna ang sarili mo." Aniya na seryoso, at sabay hithit sa yosi niya.


"Sabihin mo na lang kung ano ang sasabihin mo tomboy-- pa suspense ka pa eh!" Sabay upo sa harap ng table at higop sa kape.


"Azerine... Ang babaeng kinukwento mong Powder ay--"


Tahimik kong pinakinggan ang sinasabi ni Hope, pinigilan ko ang nararamdaman ko para hindi niya makita ang emosyong nagbabadyang kumawala.


"Pahingi nga ng yosi--" at agad naman niya akong binigyan.







Sagigilid Milan's PoV


Nasa Bulwagan ang Rajah kasama ang mga anak nito, at nag-uusap patungkol sa aking Bai. Nais kong malaman kung ligtas nga ba ito sapagkat ako ay nag-aalala mula pa nang gabi ng kasiyahan.


"Ama, mas mabuti ngayon kung hindi muna natin hahanapin ang aking kapatid na si Huada, sapagkat batid ko na hindi ito uuwi ng puod, gayong pinaghahanap siya ng mga mandirigma ni Nemesis lalo't napatay ang ama nito sa kasiyahan." Mungkahi ni Ginoong Isagani.


"Sang-ayon ako sa mungkahi mo Isagani," ani ng Rajah.


"Ama, Batid mo ba kung nasaan ang aking kapatid na Bai?" Tanong ng munting Bai Hera.


Sinalinan ko ng tubig ang lalagyang inumin ni Ginoong Isagani, at napansin kong wala si Bai Helena, nasaan kaya siya? Gayong pinag-uusapan ang kanyang kapatid? At mabuti nga ay hanggang ngayon ay wala pa rin ang babaeng makakaisang dibdib ng Rajah.


"Huwag kang mag-alala sa iyong Bai Huada, aking bunso. Sapagkat ako ay nakatitiyak na nasa maayos siya ngayon na kalagayan." Tugon ng Rajah.


Ako'y nagalak nang marinig iyon sa Rajah.


"Siyanga Ama?" Pagtitiyak ng Bai.


"Oo. Munti kong Bai, kaya't ipayapa mo ang iyong kalooban," tugon ni Ginoong Isagani at nakita kong ngumiti ang Rajah.


--



Pagkatapos nang kanilang pag-uusap ay humarap ako agad sa Ginoong Isagani na palabas nang bulwagan.


"Ginoo..."


"Milan, batid ko kung bakit ka lumapit sa akin upang tanungin ang aking kapatid na iyong Bai, hindi ba?" Tanong ng Ginoo sa akin, habang ito ay nakangiti.


"Oo. Ginoo, sapagkat nais kong tiyakin kung maayos nga ba ang aking Bai gaya ng iminungkahi mo kanina lamang," aking tugon.


"Ipayapa mo ang iyong kalooban Milan, sapagkat ang iyong Bai ay nasa mabuting kalagayan, at wala kang dapat ipag-alala." Tugon ng Ginoo.


Huadelein Delzado "Ang Bai"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon