Kabanata L: Ang Mahalagang Gawain na Iniatang Sa Bai
--
Huadelein's PoV
Binuksan ko ang aking locker at napansin ko ang isang bugkos ng pulang rosas, at may nahulog pa mula rito na isang maliit na papel. Pinulot ko ito sa sahig at sandali ko itong minasdan at ibinuklat mula sa pagkakatupi nito, at binasa ang nakasulat.
Hello Miss Beautiful,
Sana magustuhan mo itong rosas na kasing Ganda mo.
Mr. G.
Ano? Mr. G.? Sandali lamang, sino naman ang magbibigay sa akin ng bulaklak? Tila wala akong maisip maliban sa Gunggong. Ngunit bakit nga ba ang Gunggong ang naiisip ko? Hindi, malabo iyon! Mr. G ang nakalagay sa sulat. At hindi Dos at tiyak hindi maglalagay ng rosas ang gunggong na iyon, lalo na ngayon.
Kinuha ko ang bugkos ng rosas at sandali itong pinagmasdan, kay gandang mga rosas... Ibinulsa ko ang sulat at isinara ang locker at lumakad na patungong silid-aralan.
--
"Oh! Boss. Kanina pa kita hinahanap, buti na lang di papasok si Ma'am Augusta ngayon kundi yari tayong mga late, hahahaha," wika niya.
"Kung kailan huling araw na, ay tsaka pa hindi papasok si Binibining Augusta," aking wika, naupo na ako at inilapag ang bugkos ng rosas sa aking kaharap na mesa.
"Oh! Boss, kanino naman galing 'yang rosas? Sa'yo ba 'yan?" Tanong nito.
"Oo. Azerine, nakita ko na lamang ito sa loob ng locker ko at may kalakip itong sulat."
"Oh, kanino galing, Boss? Kilala mo ba kung kanino galing?" Tanong muli nito.
"Hindi, Azerine. Sapagkat paano ko naman makikilala ang naglagay nito sa locker kung Mr. G lamang ang inilagay sa sulat," aking saad, at ipinakita sa kanya ang sulat na kanya naman kinuha.
"Oo nga 'no! Ang mahirap pa nito, Boss. Computerized ang pagkakasulat kaya mahirap hulaan kung kanino galing 'to," aniya.
"Oo. Azerine, kaya nga dinala ko na lamang ang mga rosas na ito baka sakaling makita niya ako na hawak ito at kanya akong lapitan."
"May punto ka rin, Boss. Pero Mr. G lang ang pakilala niya eh, ibigsabihin Boss ayaw niyang magpakilala sa'yo," paliwanag niya.
"Ganoon ba, iyon?"
"Oo. Boss, may mga lalaki kasi na pa-mysterious effect! At karamihan sa mga ganyan Boss, naku! Mga mahiyain tapos gwapo! 'Yon nga lang sa huli di sila nagkakatuluyan," wika nito.
Ano bang sinasabi ng tomboy na 'to? Wala naman akong sinabi na makakatuluyan ko si Mr. G ah.
"Paano mo naman nasabi na hindi sila nagkakatuluyan, Azerine?" Aking tanong.
BINABASA MO ANG
Huadelein Delzado "Ang Bai"
Teen FictionManiniwala ka ba? Na sa modernong panahon natin ngayon ay may isang tradisyon pa rin ang nananatili sa isang puod na pinamumunuan ng isang Rajah? At may mga anak na Binukot at isang Ginoo? Ang tradisyon at kulturang ito ay panahon pa ng ating mga ni...