Kabanata LXII: Ang Damdamin ni Liwayway
--
Third Person's PoV
Isang napakaganda at kaibig-ibig na gabi, ngunit waring ito'y nasira nang makisalo ang Dayang sa magsing-irog.
"Heto Dayang, iniluto ko iyan para kay Isagani— tikman ninyo," nakangiting paanyaya ni Liwayway, at iniabot ang pingganan ng isang tradiyunal na lutong adobong manok sa tila pihikang Dayang.
"Salamat—" anito, kumuha siya nang kaunti atsaka kinuha ng kanyang abay ang pinggan at inilapag sa mesa.
Tinikman ng Dayang ang pagkaing inihain ni Liwayway. Sa pagnguya pa lamang nito ay mababakas sa kanya na hindi niya gusto ang pagkaing nasa kanyang bibig.
"Kulang sa alat— kung maghahain ka ng pagkain sa Ginoo ay marapat na ito ay masarap Liwayway, sapagkat mas nakukuha ng babae ang isang lalaki sa pamamagitan ng kanilang tiyan," wika ng Dayang.
Nabigla si Liwayway sa isinambit ng Dayang, ngunit hindi niya ito ipinakita bagkus ay ngumiti atsaka—
"Sa susunod ay pag-iigihan ko na lamang— daragdagan ko pa ng panimpla o di kaya'y toyo, daghang salamat sa inyong iwinika Dayang."
"Hindi mo na kailangan gawin iyon, aking Binibini— sapagkat ang iyong bana ay hindi mahilig sa maalat na pagkain, tama lamang ang timpla nito para sa akin," aniya sa kanyang may-bahay, dahilan upang umaliwalas ang mukha nito.
"Paano na lamang kung may biglang sumalo sa atin— na mga kaibigan ng iyong Baba? O isang mataas na tao, alam mo naman ang iyong Baba— Isagani, madalas ay may panauhin," saad pa ng Dayang. Habang inis niya'ng hinihiwa ang karne ng manok sa kanyang pinggan.
Sa iwinika ng mistisang babae ay waring natinik ang loob ni Liwayway, iniisip niyang may punto ang Dayang.
"Dayang, kung ano ang nakahain sa hapag ay kakainin ng panauhin sapagkat wala naman silang ibang pagpipilian, at higit pa roon ay tiyak kagigiliwan nila ang luto ng aking may-bahay," wika ni Isagani, na ikinaluwag ng dibdib ni Liwayway.
Waring nabasag na pinggan si Lilibeth, nang ipagtanggol niya ang asawa at sabihin iyon ni Isagani. Hindi niya akalain na siya'y mapapahiya sa sariling bitag.
Pilit na ngumiti ang Dayang atsaka—.
"Tama ka, Isagani."
--
Matapos ang hapunan ay, nasa silid si Liwayway at lumuluha, iniisip niya ang sinabi ng Dayang kanina habang sila'y nasa hapag. Tila durog ang puso nito, kahit na siya'y ipinagtanggol nang kanyang asawa ay hindi maalis sa kanyang isipan ang sinabi nito matapos ang kanilang hapunan.
~Pagbabalik-tanaw~
Habang nagliligpit si Liwayway nang kanilang pinagkainan, ay sinadya siya ng Dayang kasama ang abay nito.
"Liwayway..."
"Dayang, ano at naririto kayo?"
"Nais ko lamang sabihin, na husayan mong magluto dahil kung hindi mo mapunan ng masarap na pagkain ang sikmura ng Ginoo, ay baka ito ay magsawa sa iyo, at tumikim ng luto ng iba..." Anito.
BINABASA MO ANG
Huadelein Delzado "Ang Bai"
Teen FictionManiniwala ka ba? Na sa modernong panahon natin ngayon ay may isang tradisyon pa rin ang nananatili sa isang puod na pinamumunuan ng isang Rajah? At may mga anak na Binukot at isang Ginoo? Ang tradisyon at kulturang ito ay panahon pa ng ating mga ni...