Kabanata LII: Liwayway
--
Argo's PoV
Habang nakatutok sa amin ang sibat ay may lumapit pa na isang nakabahag na lalaki, at napansin ko lang may mga tattoo sila sa mga katawan nila. Nakita ko rin na marami pa pala ang tulad nila sa paligid. P-putya!
"Kasama sila ni Ginoong Zero, at nakatakda silang magkita ngayon ng Rajah Digma," wika ng lalaki na nakabahag rin.
"Paumanhin, mga Ginoo. Maaari na kayong tumuloy," sabi ng lalaki at inilayo na sa amin ang mga sibat. At tumuloy na kami.
"Akala ko tutuluyan nila tayo, putya," wika ni Cleo, habang nagmamaneho.
"Akala ko nga rin, grabe naman mga tao na 'yon! Napansin mo rin ba, Cleo na may mga tattoo sila?" Tanong ko.
"Oo, buong katawan nila may mga tattoo eh, kaya paano 'ko di mapapansin 'yon?" Aniya.
Imagine 'yong pumunta rito si Dos, at 'yong ipinuslit siya para makapunta at makita si Huadelein. Doon pa lang di ko na ma-imagine kung gaano karaming bantay ang nandoon, di ko yata kaya pumunta rito nang ako lang mag-isa.
Huadelein's PoV
Nakikita kong malapit na kami sa aming paroroonan, nawa ay makita ko ang Binukot na sinasabi ni Nana Mata.
Ilang minuto lamang ang itinagal at nakarating na kami sa isang payak na pamayanan.
"Hope, dito na lamang," aking wika.
At hininto nito ang sasakyan.
"Bakit, Bai?" Tanong niya.
"Naririto na tayo."
"Anong naririto, Bai?" Tanong ni Azerine.
"Dito tayo magsisimula, na hanapin ang Binukot na sinasabi ni Nana Mata," aking tugon.
At sinimulan na nilang ibaba ang sisidlan ng mga bugay. Matapos niyon, ay lumakad na kami upang ipagtanong sa banwa na ito kung saan matatagpuan ang balay ng mga Binukot.
At kung nasaan ang Binukot na nasa himalad ni Nana Mata.
May isang matandang babae kami na nakasulubong, at sa anyo nito ay suot nito ang isang tradisyong kasuotan ng mga taga rito.
"Maayong adlaw, Ginang," aking pagbati.
"Maayong adlaw, Binibini," wika ng matanda.
"Maaari ho bang magtanong?"
"Ano iyon, Binibini?" Tanong ng matanda, at bahagya pa itong bumaling sa akin.
"Saan ko ho makikita ang balay ng mga Binukot?" Aking tanong.
"Dumiretso ka lamang riyan atsaka kumanan pagkarating mo sa pawid na iyon, at makikita mo ang malaking balay, at iyon na ang balay ng mga Binukot," kanyang turan.
BINABASA MO ANG
Huadelein Delzado "Ang Bai"
Ficção AdolescenteManiniwala ka ba? Na sa modernong panahon natin ngayon ay may isang tradisyon pa rin ang nananatili sa isang puod na pinamumunuan ng isang Rajah? At may mga anak na Binukot at isang Ginoo? Ang tradisyon at kulturang ito ay panahon pa ng ating mga ni...