Kabanata VII: Walang Saplot
--
Huadelein's PoV
Hawak niya ang aking kamay habang nakikipag-kwentuhan kina Whisky at Rica, hindi niya man lang binibitiwan. Natatakot ako baka marinig niya ang malakas na kabog ng dibdib ko. Isang linggo na mula noong una niyang hawakan ang aking kamay, at siya lang ang bukod tanging lalaki na nakahawak nito bukod sa aking ama.
"Naku! Hindi naman siguro sila nagkabalikan 'no," wika ni George.
"Hay! Naku bakla! Tanungin mo na lang 'yong Mira'ng lumalaklak ng glutathione!" wika ni Rica.
"Chismis lang naman 'yon bakla, 'wag ka munang nagpapaniwala lalo ka na Rica ha, baka makasira ka ng relasyon niyan," singit ni Whisky.
"Eh! Pa'no kung totoo?" Nagmamaktol na tanong ni Rica.
"Hay naku! Bakla ka! Gora na! Baka malate pa tayo!" Hila ni Whisky kay Rica, at nag umpisa nang lumakad.
"Oo nga, tara na Rica! Hayaan mo na muna 'yang mga iniisip mo— tatanungin ko na lang si Ethan tungkol diyan, erkey?" Ani George, sabay kaming lumakad habang hawak pa rin nito ang aking kamay.
"Bahala ka nga diyan bakla ka, kapag ikaw nasaktan diyan, naku!" Wika ni Rica.
"Halika na! 'Wag ka ng dumaldal diyan," aya ni George kay Rica, na kasabay na namin maglakad.
"Pagsabihan mo nga 'yan si Georgia, Ganda! Baka sayo makinig 'yan!" Bulong sa akin ni Rica na may diin. Nauunawaan ko si Rica kung saan ito nanggagaling kahit nga ako ay batid kong niloloko siya ni Ethan, ngunit mas nanaisin ko na si George ang makatuklas nito at hindi manggaling sa akin.
"Hayaan mo pagsasabihan ko siya" nakangiti kong tugon, upang mapayapa ang kalooban nito.
Bigla naman binitiwan ni George ang aking kamay, at nakita ko na lamang na mabilis siyang lumapit sa nakasulubong namin at hinawakan ang kamay nito kaagad. Nakakainis.
"Nakasalubong pa ang salawahan," rinig kong bulong ni Rica sabay irap nito, at bahagyang hinila ni Whisky ang braso nito.
"Pa'no? Aawra muna kami ha? Hali na kayo," hila ni Whisky sa mga braso namin ni Rica, "una na kami sa room!" Dagdag ni Whisky.
"Una na kami, ang baho na eh—" wika ni Rica, ngunit hindi na ito naituloy pa pagkat bigla na kaming hinila ni Whisky palayo kina Ethan at George.
Nang tuluyan na kaming makalayo sa kanila ay agad din binitiwan ni Whisky ang mga braso namin.
"Ano ka ba naman Rica!? Di ba nga sabi ni Georgia siya na ang bahalang magtanong kay Ethan, 'wag mo na silang pakialaman muna wala pa naman tayong pruweba, 'no! Kalerki ka!" Wika ni Whisky sa kaibigan. Iyan ang iyong akala Whisky pagkat di mo nakikita si Ethan na may kasamang babae— at si George niloloko na niya.
BINABASA MO ANG
Huadelein Delzado "Ang Bai"
Novela JuvenilManiniwala ka ba? Na sa modernong panahon natin ngayon ay may isang tradisyon pa rin ang nananatili sa isang puod na pinamumunuan ng isang Rajah? At may mga anak na Binukot at isang Ginoo? Ang tradisyon at kulturang ito ay panahon pa ng ating mga ni...