Kabanata VIII: PARUSA

127 38 20
                                    














Kabanata VIII: Parusa





---





Huadelein's PoV



Halos guluhin ko na ang sarili kong buhok, hindi ko na alam kung anong dapat kong unahin. Bakit nagkasabay-sabay ang mga bagay ngayon!? Tulad na lamang kahapon nakita ako ni Dos na wala akong saplot! Tapos mukhang nagtatampo pa sa akin si George, at ang pang huli si Nemesis. Ikapito pa lamang ng umaga at kasalukuyan akong nag-aayos ng aking sarili, nang marinig kong tumunog ang aking telepono— kinuha ko ito atsaka binasa ang mensahe.







From: 09*********



You've an appointment with Mr. Pilar the fashion designer at exactly 9am, don't be late my daughter, Iloveyou.


-Ama




Tss! Banyaga na siguro ang aking ama, nakapagsasalita na ng wikang malayo. Nahawa na siguro siya kay Lilibeth Hillari. Ngunit maaring si Umbo Helena ang nag type ng mensahe. Tila mahaba-habang araw na naman ito.




--




"I like this cake, delicious! Right honey?" Tanong ng lalaking nasa harap ko, naririndi talaga ko sa kanyang pag i-ingles!



"Oo. Masarap, ngunit masyadong matamis baka maumay ang mga panauhin," aking tugon.



Pagkain pa lamang ito para sa engagement party itong mga tinitikman ko, at grabe sa tamis! Umay na umay na 'ko. Pagkatapos namin masukatan para sa susuotin sa engagement party ay dumiretso kami rito sa restaurant. At bakit nga ba ang bait ko sa kanya? Malamang dahil lang naman sa aking amang Rajah.










*Pagbabalik-tanaw*



Pagkabasa ko ng mensahe agad akong umalis ng balay at nagtulak sa kutá ni Ama, pagkarating ko roon ay agad akong nagtungo kung saan siya madalas naglalagi. Sumalubong sa akin ang mga sandig ng aking amang Rajah at iginiyang maari akong tumuloy. Narinig kong kausap niya ang kanyang sandig na si Atubang Isog habang kapwa umiinom ng pangasi.



"Ganap na Rajah ang ipinayari mong sisidlan," wika ni Atubang sa aking ama.



Sisidlan? Anong sisidlan?



"Kung gayon, ay maaari ko na itong ihandog sa aking magiging kabiyak," saad ng aking ama.


Ihahandog niya pala kay Lilibeth Hillari ang sisidlan, nahihibang na ba ang aking ama? Talagang makikipag-isang dibdib siya sa babaeng iyon?



"Ganoon na nga kapunuan," tugon ni Atubang.



"Kung gayon ay si Paragahin na ang bahalang maglagay ng bahandi sa sisidlang yari na," wika ng aking ama.



Sa aking pakiwari ay hibang na nga ang aking ama.



"Ikaw ang masusunod mahal na Rajah," sabay inom nito sa kanyang pangasi.



Huadelein Delzado "Ang Bai"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon