Kabanata XXXVI: Ang Maisog Na Bai

43 12 13
                                    




Kabanata 36: Ang Maisog Na Bai





Huadelein's PoV

Umaga at kasalukuyang nasa labas kami ng balay ni Baba Digma at nagsasanay na makipaglaban gamit ng kampilan, nagtatama ang aming matatalas na kampilan at nariyan na akin itong naiilagan at kamuntik pang magalusan ang aking balat. Patuloy kami sa pagsasanay nang mahagip ng aking paningin na kami ay pinagmamasdan na pala ng mga mandirigma at nila Ubu Isagani kasama si Milan. Patuloy nagtatama ang aming mga kampilan nang aking napabagsak sa lupa si Baba Digma at nasa malapit sa leeg nito ang aking matalas na kampilan, at agad kong inalis ang aking kampilan at inalalayan sa pagtayo ang aking ingkong.

Nang makatayo ito ay agad niyang inayos ang kanyang sarili at inilagay ang kampilan sa sisidlan nito


"Mahusay! Huada! Mahusay! ikaw ay tunay na mandirigma at anak ng isang Rajah" wika nito sa akin na naka ngiti


"Salamat Baba Digma, ngunit nasaktan ba kayo?" aking tanong dito at sinuri ang katawan ni Baba Digma upang tingnan kung may natamo itong galos


"Apo, aking Bai Huada ipagpatuloy mo ang iyong pagsasanay kung ikaw ay mahusay sa paghawak ng baril marapat lamang na mas mahusay kang humawak ng kampilan" wika nito sa akin na naka ngiti at hinawakan ang aking kaliwang balikat


"Oo naman Baba Digma, ng dahil sa inyo ay natutunan kong humawak ng kampilan daghang salamat ingkong" aking wika at yakap dito humiwalay ito sa aking pagkakayakap sa kanya at inakbayan ako nito atsaka nagwika


"Isagani, kayong lahat nasaksihan niyo ang kahusayan ng aking apo sa paghawak ng kampilan siya'y tunay na maisog at anak ng Rajah at apo ng Rajah na siyang dapat hangaan at batid ko balang araw ay maipamamalas mo ang iyong higit na kaisugan aking apo, Bai Huada" wika nito sa akin dahilan upang bahagya akong mapangiti

niyakap ko ito sandali, ang aking ingkong ang unang nagturo sa akin kung paano humawak ng kampilan



"WOOOOOH!!!"



"WOOOOOH!!!" pagbibigay pugay ng mga mandirigma



Lumapit si ubu Isagani sa amin ni Baba Digma atsaka ito nagwika


"Isa ka ng tunay na mandirigma aking kapatid, Bai Huada" wika ni ubu Isagani


"Daghang salamat, ubu Isagani isa ka rin sa mga dahilan kaya nahubog ang aking pagiging maisog" aking wika


"Ikaw ang siyang humubog sa iyong sarili aking kapatid" wika ni ubu Isagani


Ibinaling ko ang aking paningin sa ibang direksyon at nakita kong nakangiti si Milan sa akin, abala ang mga mandirigma sa pakikipag-usap sa aking Baba Digma nang may marinig kaming boses


"Magandang umaga" bati nitong naka ngiti, ang bihis nito ay taga labas na mahaba ang kasuotan nito na kulay puti at halatang mamahalin, ang mukha nito ay makolorete


Ano ang ginagawa ng Dayang na ito rito sa balay ng aking Baba Digma? tila naliligaw ang Dayang upang pumarito


"Magandang umaga sa aking Bai, na mapapangasawa ko" wika ng isang lalaki na nakangiti sa akin na nakabihis amerikana dahilan upang magsalubong ang aking mga kilay


Huadelein Delzado "Ang Bai"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon