Kabanata XXXIV: Ang Rajah Bagani at ang Panauhing Pandangal
--
Huadelein's PoV
Hindi ko maunawaan ang sinasabi nila hanggang sa magtungo si Jace sa malaking tampipi at binuksan ito kaagad, at nakita kong lumabas dito ang isang pigura na aking kilalang-kilala.
"Huadelein..."
Nakasombrero man ito at hindi ko maaninag ang kanyang mukha ngunit ang pigura at boses nito ay aking kilala.
"Dos..." Halos pabulong na aking bulalas.
Hindi ko maunawaan, ako'y nagagalak ngunit nag-aalala. Halu-halong emosyon ang aking nadarama, lumapit ito sa akin at agad akong ikinulong sa kanyang mga bisig na siyang aking ginawa rin, agad itong humarap sa akin at hinagkan ang aking magkabilang pisngi.
"Kumusta ka Huadelein? Bakit mo pinutol ang buhok mo ha? May ginawa ba sila sayo? Sinaktan ka ba nila? Ano? Sabihin mo sa'kin," sunud-sunod niyang tanong, at nakatingin ito sa aking mga mata na aking iniiwasan.
"Dos, anong ginagawa mo rito sa puod? Mapanganib para sayo kung naririto ka," aking wika, at hindi ko man lang namalayan na ako pala ay lumuluha na.
"Wala akong pakialam, ano kumusta ka Huadelein? Sinaktan ka ba nila? Atsaka bakit mo pinutol ang buhok mo?" Tanong muli nito sa akin, na kababakasan ng pag-aalala.
"Hindi Dos, hindi... Ayos lamang ako, at patungkol sa aking buhok-- ayaw mo ba nito hindi na ako mukhang manananggal," aking tugon na nakangiti, at hinawi nito ang mga butil ng luha sa aking pisngi, sandali ako nitong pinagmasdan na waring sinusuri kung may galos sa aking katawan.
"Hindi Huadelein 'yan ang pinakagusto ko sayo, 'yang tuwid mong buhok na itim, na gusto ko ako lang ang makakita," wika nito, na ikinagalak ng aking puso.
"Huwag kang mag-alala ilang buwan lamang ay hahaba rin ito," aking wika, at haplos sa kanang pisngi nito.
"Mabuti ayos ka lang, kailan ka babalik? Kailan ka papasok ulit?" Tanong niya.
"Hindi ko alam Dos... Ngunit tiyak ay babalik ako upang pumasok ng paaralan."
"Kailan 'yon?" Tanong nito muli.
"Woi! Masyado kang malapit sa Bai!" Saway ni Winston kay Dos, ngunit nakita kong pinigilan ito ni Azerine.
"Tumigil ka Winston, hayaan mo nga sila," wika ni Azerine na pabulong na aking narinig.
Hindi ako naka-imik sa tanong ni Dos.
"Kailan 'yon? Kailan 'yon Huadelein?" Tanong nito sa akin, na pinakatitigan ako at naghihintay ng itutugon ko.
"Irog ko, hindi ko batid kung kailan ngunit umasa kang babalik ako," tugon ko.
"Hindi ko alam kung kailan 'yon Huadelein, pero maghihintay ako, hihintayin kita kahit magmukha akong tanga sa kahihintay sayo sa gate ng school, hihintayin kita Huadelein," aniya.
Napayuko na lamang ako sa mga sinambit nito, ito na ang huling pagkakataon na magkakaroon tayo ng ugnayan aking Ginoo. Sapagkat may kailangan akong tapusin na misyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/255303176-288-k242130.jpg)
BINABASA MO ANG
Huadelein Delzado "Ang Bai"
Ficção AdolescenteManiniwala ka ba? Na sa modernong panahon natin ngayon ay may isang tradisyon pa rin ang nananatili sa isang puod na pinamumunuan ng isang Rajah? At may mga anak na Binukot at isang Ginoo? Ang tradisyon at kulturang ito ay panahon pa ng ating mga ni...