Kabanata XIII: Ang Pagtatapat ng Bai

109 33 5
                                    

















Kabanata XIII: Ang Pagtatapat ng Bai





---





Georgia's PoV



Magkakasama kami ng mga bakla sa waiting area, habang hinihintay mag-uwian ang mga pang umaga nang mahagip ng paningin ko ang magjowang labanos! Walang iba kundi sina Ethan at Mira. Tse! Di hamak na mas maswerte ako ngayon dahil hindi ko na kasama ang Ethan na 'yan, masaya na kong kasama ang mga bakla at si Ganda, ano!




"Georgia, may gusto akong itanong sa inyo," ani Ganda.




Napalingon ang dalawang bakla dahil sa sinabi ni Ganda, mukhang curious din ang dalawa kung ano ang itatanong nito.




"Anong itatanong mo, Ganda?" tanong ko.




Naku! Ito na ba 'yong tungkol kay Dos?




"Ano na Ganda? Magsalita ka," ani Whisky.




Dahil mukhang umurong na ang dila niya, hinawakan ko naman agad ang kamay ni Ganda para makomportable ito sa kung ano man ang itatanong niya o sasabihin.




"Ganda, itanong mo nang malaman namin," ani pa ni Rica.





"Alam niyo ba 'yong condom?" tanong niya.





Halos malaglag ang panga ko dahil sa lumabas sa bibig niya. Kaloka!





"Sus! Akala ko kung ano na! 'Yon lang pal" mabilis kong tinakpan ang bibig ni Whisky.




" 'Yon ba Ganda? Candy 'yon," mabilis na sagot ko. Dahil baka kung ano pa ang idagdag ng dalawa sa sinasabi nila.









*Pagbabalik-tanaw*



Papunta kami ng cr nina Whisky at Rica, nang makasalubong namin si Azerine pogi.




"Georgia!" tawag nito sa akin.




"Ano 'yon Emozencio'ng pogi?" tanong ko.




"Pwede bang humingi ng pabor sa inyong tatlo" aniya.




"Anong pabor ba 'yan, pogi?" tanong ni Whisky.




"Baka kasi magtanong sa inyo si Huadelein patungkol sa condom," saad niya.




"Oh! Anong meron doon kung magtanong siya?" tanong ni Rica.




"Pwede bang sabihin niyo na Candy 'yon at limited lang? Wala kasing alam sa ganoong bagay si Huadelein kumbaga inosente, sabihin niyong mahirap 'yon hanapin," sabi pa niya.




"Sige ba! Pogi, walang problema," ani ko.




"Salamat, mausisa kasi ang babaeng 'yon," saad pa nito. "Alam niyo naman, inosenteng bata"



Huadelein Delzado "Ang Bai"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon