Kabanata IX: Dos

133 35 19
                                    















Kabanata IX: Dos





---






Azerine's PoV



"Tomboy! Bangon na! Tomboy! Boss! Huadelein! Gising na! Tanghali na" anak ng gwapo! Kanina ko pa ginigising 'yan hindi magising-gising! Nagtext siya sa'kin kagabi sabi niya gisingin ko raw siya ng 8:30 o 9am pero anak ng ipis naman! Alas-onse pasado na! Hindi pa rin siya nagigising!




"Boss! Bumangon ka na! Tanghali na kaya!" Mukha naman kahit anong gawin ko hindi siya magigising.



Bumaba na lang muna ako at pumunta sa kusina, wow! Ang laki ng refrigerator niya! Siguradong marami 'tong laman! Pagbukas ko, wow! Punung-puno ng pagkain. Nag-iisa lang siya rito sa bahay niya pero grabe ang daming pagkain. 'Yong freezer niya puno rin ng karne tulad ng manok, baboy, baka at may fish fillet pa, hanep! Kumpara sa refrigerator ko, pfft! Haha puro tubig lang ang sa'kin itlog, hotdog tapos puro cereals pa. Pwede na boss! Pwede ka ng mag asawa!



Kumuha lang ako ng freshmilk atsaka umakyat na, tutuloy na sana 'ko sa kwarto ni tomboy nang marinig ko siyang may kausap sa cellphone.



"At saan mo nakuha ang number ko, ha?" Tanong niya sa kausap sa phone, iniinom ko lang ang freshmilk habang pinapakinggan si boss.



"tss! Parang papel lang! Turn off na agad sa mga kadate mo! Mag-isa kang mag check niyan!" Bulyaw niya sa kausap sa cellphone.



Sinong kausap niya? Bakit ganyan siya maka react? Wala naman ibang tumatawag sa kanya bukod sa'kin at sa tatay niya ah.



"a-ano? Oo na! Wala kang pakialam kung kagigising ko lang! Sinabi ng huwag mo 'kong tatawaging babae! Kapag hindi kita nakita roon! Talagang mag isa kang magche-check niyan Zeryozo!" Bulyaw niya uli sa kausap.



Sabay patay niya sa tawag.




Zeryozo?




Ah! Si Dos! Ay! Oo nga pala! Hiningi niya sa'kin ang number ni tomboy p-patay!









*Pagbabalik-tanaw*



Pasipol-sipol akong palakad-lakad sa hallway habang hinihintay si Calla dahil lalabas kami, nang makasalubong ko si Dos.



"Di ba kaibigan mo si Huadelein?" Tanong agad sa'kin nito pagkalapit niya.



"Oo, bakit?"



"Pahingi ako ng number niya"



"Sure!"


*Pagtatapos ng balik-tanaw*








Napalunok na lang ako nang maalala ko 'yon.



"Labas!" At nanigas ako sa kinatatayuan ko, dahan-dahan akong pumasok sa kwarto.



Huadelein Delzado "Ang Bai"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon