Kabanata XXXVIII: Ang Pagbabalik
--
Huadelein's PoV
"Magbabalik ka na sa labas mag-iingat ka aking apo," wika ni Baba Digma, habang hawak-hawak nito ang aking kamay.
Kami ay nasa labas ng balay ng aking inkongnkasama ang mga mandirigma nito, at ang aking mga sandig.
"Kayo rin Baba Digma, nais ko man makasama pa kayo nang matagal ay hindi na maaari pa sapagkat kailangan ko nang magbalik sa labas at pumasok ng paaralan."
"May ibang araw pa Huada may bakasyon naman," anito, na nakangiti.
Nalulungkot ako sapagkat muli ay lilisan ako ng puod at lilisanin ko ang aking ingkong, ang aking Baba Digma na lubos na malapit sa akin.
"Mangungulila ako sa iyo Baba Digma," aking wika, at niyakap ko ito sandali akong kumalas sa pagkakayakap sa aking ingkong nang magsalita ito.
"Aking apo, ako'y mangungulila rin sa iyo ngunit nariyan naman ang iyong kapatid na si Hera upang ako'y maaliw at hindi malumbay dito sa aking balay," saad niya.
"Mabuti kung gayon Baba Digma, ako'y magpapaalam na," aking wika, at niyakap ko muli ito at agad din akong kumalas sa pagkakayakap sa aking ingkong atsaka ito nagwika.
"Gabayan kayo ni Aba, nang ating mga umalagad at mga diwata, mag-iingat kayo," ani Baba Digma sa amin.
At tuluyan na kaming lumisan ng balay ng aking inkong, at umuwi sa aming balay upang kunin ang aking ilang kagamitan.
--
Ako'y nag-aayos ng aking mga gamit nang mayroong dalawang beses na kumatok sa pinto at bumukas ito, atsaka mayroong batang babae na tumakbo patungo sa akin at ako'y niyakap.
"Umbo! Totoo ba na ikaw ay lilisan ngayon ng ating puod?" Tanong niya sa akin, kumulas ito sa pagkakayakap at bakas ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Oo, munti kong Hera," aking tugon, at hinaplos ang mumunti nitong pisngi at baba. Yumuko ito atsaka nagwika.
"Kung gayon-- ay papasok ka na muli sa paaralan at makakadaupang-palad mo muli ang iyong Ginoo."
Ano ang sinasabi ng munti kong bunso?
"Bai Hera, wala akong Ginoo--" aking wika ngunit hindi ko na ito naituloy pa sapagkat nagsalita ito agad.
"Bai Huada, huwag mo na ikaila pa-- alam ko ang kanyang ngalan," aniyang nakangiti, na tila nanunukso.
"Hera aking bunso, kanino mo naman nalaman ang ganyang bagay?"
Tiyak, ay kina Sima lamang at kay Milan, ang aking kapatid talaga.
"Kay Sima, at ang ngalan ng iyong maisog at magandang lalaki na Ginoo ay Apoll--" tinakpan ko ang bibig nito gamit ng aking kanang palad.
"Huwag kang maingay Hera baka may makarinig sa iyo---"at tinanggal ko rin ang aking palad sa kanyang mga labi.
"Bai Huada, mag-iingat ka at umiwas ka sa pamangking hilaw ng Dayang tiyak akong hahanapin ka nito lalo't batid nila na ikaw ay magbabalik na sa labas," paalala niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Huadelein Delzado "Ang Bai"
Novela JuvenilManiniwala ka ba? Na sa modernong panahon natin ngayon ay may isang tradisyon pa rin ang nananatili sa isang puod na pinamumunuan ng isang Rajah? At may mga anak na Binukot at isang Ginoo? Ang tradisyon at kulturang ito ay panahon pa ng ating mga ni...