Kabanata XII: Ang Munting Bai Hera

102 33 4
                                    














Kabanata XII: Ang Munting Bai Hera









---








Jace's PoV




Isang linggo na mula nang mag umpisa akong magtrabaho kay Huadelein, at hindi 'to madali dahil buwis buhay! Pero mas gugustuhin ko na rin 'to, dahil malaki ang ibinibigay na pera ng boss ko. Hindi ko akalain na ganoon karangya ang buhay na meron si Huadelein, naikwento sa akin ng tatlong tomboy kung anong merong pamilya ang boss ko. At anong mga pagsubok ang pinagdaanan niya bago nakuha ang kalayaang gusto niya.





"Alam mo, maswerte ka dahil naging tauhan ka ni boss," wika ni Winston.




Magkasama kami ngayon sa kotse dahil ihahatid niya 'ko sa school, syempre wala ako sariling sasakyan. Obligado raw siya na ihatid ako, dahil siya ang nag training sa'kin at sinabi rin ni boss.





Nakinig lang ako sa sinasabi niya.




"pihikan si Huadelein sa pagkuha ng tauhan, kung mapapansin mo puro kami tomboy, alam niyang medyo tamad kami pero pag nag trabaho siguradong may aasahan siya sa amin," saad ni Winston.




Oo nga, pansin ko nga dahil tatlo silang tomboy na tauhan ni Huadelein.




"Ibigsabihin, tatlo lang kayong tauhan ni Huadelein?" tanong ko.





"Mismo!" Tugon nito.




"Pero teka, bakit? Eh! Bakit ako kinuha niyang tauhan? Na kayo puro..." Hindi ko itinuloy ang sinasabi ko baka kasi ma-offend ko siya.





"puro tomboy, gaya ng sinabi ko hindi basta basta kukuha ng tauhan si tomboy na walang potensyal," sagot niya.





Ibigsabihin nakita niyang may potensyal ako? Eh, nadukutan ko lang naman siya ng cellphone eh, pero teka! Tomboy si Huadelein?





"Tomboy ba si Huadelein?" tanong ko.





Kailangan kong makasigurado.





"Pfft! Hahahaha! Hindi siya tomboy 'no! Tawag lang namin 'yon sa kanya, dahil minsan para siyang lalaki kung magalit," sagot niya.




Ah! Akala ko tomboy, sayang naman kung magiging tomboy si boss.





"Ah... Siyangapala, magkano sinasahod niyo kay boss?" usisa ko.




Naitanong ko lang naman, curious lang ako.





"Pfft! Hahahaha! Wala kaming sinasahod, di namin kailangan 'yon," sagot niya, habang nasa manibela ang mga kamay nito at diretso ang tingin sa daan.






"Eh, paano kayo" Hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko nang magsalita ito.





"Paano kami nagt-trabaho kay boss? Ang tatay ni Huadelein ay maraming kaibigan at kaalyado na negosyante, kabilang ang mga magulang namin nina Azerine at Hope. At ang tawag sa tatay niya ng mga malalapit sa kanya ay Rajah, Rajah Bagani," paliwanag niya.




Huadelein Delzado "Ang Bai"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon