Kabanata XL: Trip

57 10 32
                                    












Kabanata XL: Trip



--



Huadelein's PoV


"Totoo ba 'yon Binibining Delzado? Na pinaglaruan mo ang dalawang walis tambo at inilagay sa bag mo?" Tanong sa akin ni Ginoong Quinis.


"Ginoo, hindi ko ho ito pinaglaruan sapagkat ang totoo po ay ako ang siyang napaglaruan--- dahil nakita ko na lamang ang mga hibla ng walis tambo sa aking bag kasama ang dalawang bunot, at maruming basahan ngunit gayonpaman ay handa ko ho palitan ang dalawang walis tambo---"


Batid kong nais nila akong pahiyain, ngunit batid kong hindi ganoon kahina ang pag-iisip ni Ginoong Quinis upang unawain ang sitwasyon.


"Hindi naman pala ikaw ang may sala kaya bakit mo papalitan ang mga walis? Ang may sala ang siyang dapat managot, at magpalit ng mga walis at hindi ikaw Binibining Delzado," ani ni Ginoong Quinis.


"Ayos lamang Ginoo, sinabi ho sa akin ng babaeng kumuha sa akin ng video kagabi na kailangan kong palitan ng dalawang walis ang mga hibla ng walis tambo na nasa aking bag, kaya bumili ako ng bago Ginoo," aking wika.


Bahagya kong tinapunan ng tingin ang babaeng kumuha sa akin ng video, at ibinalik ko rin ang aking paningin kay Ginoong Quinis.


"Sino ang naiisip mong pwedeng gumawa nito sayo Binibining Delzado?" tanong ni Ginoong Quinis.


"Wala ho akong maisip Ginoo, sapagkat wala naman po akong kaaway," aking tugon.


Nagawan man ako ng hindi maganda ni Dos ay hindi ko ito magagawang ipagkanulo.


"Sige ganito, bibilhin ko ang dalang walis ni Binibining Delzado ngunit ang gumawa kay Binibining Delzado nito at nantrip sa kanya maaari kang lumapit sa akin mamaya pagkatapos ng klase o bukas, at aminin ang ginawa mo," wika ni Ginoong Quinis.


"Ginoong Quinis ayos lamang po, huwag niyo na ho bayaran iyan," aking wika.


"Hindi ako papayag Binibining Delzado, dahil hindi mo kasalanan ang bagay na iyon," Aniya.


Hindi nga ako nagkamali na patas si Ginoong Quinis na maghatol.


Naupo na ako sa aking upuan, at napansin ko pang lumingon sa akin ang babaeng kumuha sa akin ng video kagabi.


"Boss, ba't di mo sinabi 'yong totoo?" Tanong ng aking katabi.


"Azerine, may mga tao na kailangan mo gawan ng mabuti upang gumawa rin sila ng mabuti sa iyo--- ika nga ay kapag sinampal ka ay iharap mo pa ang iyong kabilang pisngi," aking wika nang hindi ito nililingon.


"Masyado ka naman mabait boss, baka nga mamaya pagtripan ka pa ulit ni Dos at ng babae niyang si Lyka," wika ni Azerine.


Ibigsabihin Lyka ang pangalan ng babaeng kumuha sa akin ng video kagabi?


"Hayaan mo lamang na lamang sila mantrip Azerine," aking naiwika na lamang.


Huadelein Delzado "Ang Bai"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon