Kabanata XXIX: Labas
--
Huadelein's PoV
Nasa palaruan kami, nakaupo lamang ako sa isang mahabang salung-puwit at pinagmamasdan si Dos habang idinuduyan ang isang batang lalaki, nakita kong bumaba ang bata sa duyang inuupuan nito.
"Si ate mo naman iduduyan ko," wika nito at tukoy sa akin ni Dos.
Lumingon sa akin ang bata atsaka ngumiti.
"Sige kuya, doon muna 'ko sa slide!" masiglang wika ng bata atsaka tumakbo na palayo.
"Psst! Huadelein upo na rito," aniya.
Nagdadalawang isip ako na pumunta sa kanya dahil puro bata ang naririto, mayroon din naman mga gaya namin na mukhang ka edad namin ngunit nakararamdam pa rin ako ng hiya.
"Huadelein! Upo na rito," tawag muli nito sa akin.
Tumayo na ako kahit na nag-aalangan at lumakad patungo sa kanya at naupo sa duyan, pagkaupo ko ay inumpisahan na niyang itulak ito.
"Kami nanalo no'ng Friday sa Battle of the Bands," wika nito.
Nanalo sila?
"Kung gayon ay binabati kita," aking wika na bahagyang nakangiti.
"Ganoon lang? Wala ba 'kong prize diyan?" Tanong nito sa akin, na hindi ko man lingunin ay batid kong nakangiti ito.
"At bakit naman kita bibigyan no'n? Hindi naman ako ang nagpasimula ng patimpalak na yaon," aking wika habang pigil-pigil ang aking pag ngiti.
Idinuyan niya ako palayo.
"Hahahaha, ang ibig kong sabihin premyo ko sa'yo dahil nanalo kami," saad niya sa aking tainga, nang huminto ang duyan at muli ay itinulak niya ito palayo.
"Ano bang premyo ang nais mo na aking ibigay sa iyo?"
Huminto ang duyan.
"Isang kiss lang..." Bulong nito sa aking tainga, dahilan upang bahagyang manayo ang aking balahibo sa katawan, sapagkat bahagyang dumikit ang labi nito sa balat ng aking tainga.
At itinulak muli niya ang duyan.
"Nais mo muli ng halik? Ngunit bayad na ako sa aking utang sa iyo hindi ba?" Huminto ang duyan atsaka ito tumugon sa akin.
"Iba naman 'yon, magkaiba ang utang sa premyo ko ngayon--"
"Tila dinadaya mo na 'ko."
Humarap ito sa akin at inilahad ang kanyang kamay, agad ko naman ibinigay ang aking kanang palad.
"Hindi kita dinadaya, halika na!" Wika nito, at muli kaming tumakbo.
"Sandali lamang-- saan naman tayo paroroon?" Aking tanong habang tumatakbo.
"Basta! Maganda do'n!" Anitong nakangiti.
At nagpatuloy kami sa aming pagtakbo.
Bai Helena's PoV
BINABASA MO ANG
Huadelein Delzado "Ang Bai"
Dla nastolatkówManiniwala ka ba? Na sa modernong panahon natin ngayon ay may isang tradisyon pa rin ang nananatili sa isang puod na pinamumunuan ng isang Rajah? At may mga anak na Binukot at isang Ginoo? Ang tradisyon at kulturang ito ay panahon pa ng ating mga ni...