Kabanata LXVI: Sa Rest House ni Cleo II
---
Huadelein's PoV
"Kung nakita mo lang 'yon kahapon, kahit walang jowa kikiligin sa kanilang dalawa—" Whisky.
"Wala akong pakialam sa sinasabi niyo!"
"Wala ka palang pakialam, eh! Bakit ganyan ka kung mag react!?" tanong ni Georgia.
"Tama!" rinig kong sabi ni Rica.
"Ano naman sa inyo!? Siguro nga, natutuwa kayo sa tomboy at kay Argo na magkasama! But at the end of the day, boyfriend ko pa rin si Argo!" mariing wika ni Ireah. At ito'y tumalikod na ngunit—
"So, affected ka nga..." Pahabol pa na wika ni Georgia.
Sandaling natigilan ito, ngunit agad rin siyang nagpatuloy sa kanyang paglakad.
"Di pa aminin, na affected siya! At nagseselos—" Rica.
"Kasi naman, ano!? Mukha naman na ginawa niya lang rebound si Argo—" rinig kong wika pa ni Whisky.
"Tama na 'yan, mga besh! Naririto tayo para mag relax at hindi magpaka stress," ani Georgia.
Nagpatuloy lamang ako sa aking ginagawa, na pagbaba sa mga kahon-kahon na groceries.
Nasulyapan ko pa si Azerine na waring walang pakialam sa naganap na sagutan nina Georgia at Ireah, ngunit hindi maikakaila ng kanyang mga mata ang kanyang nararamdaman.
"Ganda, tulungan na kita diyan!" aniya, at kinuha nito ang hawak kong kahon.
"Salamat, Georgia."
Argo's PoV
Nags-sunbathing, ang kababaihan nang dumating kami sa pool area. Grabe! Naka two piece sila Ireah at Lyka, kasama sina Georgia na mga naka sexy summer dress. Maganda sana ang tanawin, pero hindi ko makita si Emo maski si Huadelein ay wala rito. Nasaan kaya sila?
"Boys! 'Yong ihawan, ipwesto niyo na!" rinig ko sa kilala kong boses.
Syempre! Di naman ako umaasa na naka two piece si Emo, 'no! Mas okay nga na hindi siya nakaganoon, walang makakakita sa itinatago niyang ganda. Kundi ako lang! Soon! Haha.
Nakita ko na nga siya, nakasando na jersey tapos may nakasulat doon na— "Frenta" Putang*na! Jersey ko 'yon ah! Shemay! Emo! Pinapakilig mo na naman ako!
Mabilis ko siyang nilapitan at kinuha ang bitbit niya, na mukhang iihawin.
"Ui! Argo—"
"Ako na, Pwapwa Emo. Ayaw kitang nakikitang nahihirapan," sabi ko. Tang*na, napakabango naman ni Emo amoy bagong paligo.
"Parang 'yan lang! Kayang-kaya ko naman 'yan," sabi niya. "Ingatan mo ah, pag natapon o nahulog mga 'yan, ikaw iihawin ko!" Haha! Grabe! Sadista!
BINABASA MO ANG
Huadelein Delzado "Ang Bai"
Ficção AdolescenteManiniwala ka ba? Na sa modernong panahon natin ngayon ay may isang tradisyon pa rin ang nananatili sa isang puod na pinamumunuan ng isang Rajah? At may mga anak na Binukot at isang Ginoo? Ang tradisyon at kulturang ito ay panahon pa ng ating mga ni...