Ang Bai

427 17 24
                                    




         Sa di kalayuang gitnang kapuluan ng kabisayaan ay may isang mayamang puod, na nananahan na hindi madaling matunton ng sinumang tagalabas o dayo. Ang puod na ito ay may masaganang kalikasan tulad ng bulubundukin, karagatan, mga puno, halaman, at mga bungang kahoy na pangunahing pinagkukunan ng pangangailangan ng tao. Sa lugar na ito lubos na pinahahalagahan ang kalikasan. Umaawit ang mga Babaylan at mga alabay, nag-aalay ng pangasi at isang baboy bilang pasasalamat sa kanilang Diyos na si Aba.



       Ang puod na ito ay maraming maiisog na mandirigmang nagbabantay maging sa loob at labas, kung kaya't ang mga magtatangkang pumasok rito lalo na't hindi mamamayan o taga roon ay hindi makapapasok ng ganoon na lang, pagkat sa labas pa lamang ay may daang mandirigma na ang nagkukubli sa masukal na paligid. Na may mayayabong na puno at lihim na nagmamasid, sila ay may mga sandata tulad ng bangkaw (sibat), Kampilan (espada), pana at may mga baril ngunit inilalabas lamang nila ang baril, at iba pang matataas na kalibre kung may kalaban at kinakailangan lamang.



Ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa puod na ito ay paghahabi, pagtatanim, pangingisda, pag-uukit at paggawa ng mga kasangkapan na gawa sa kahoy, o abaka na kung saan ito ay naipagbibili sa mga karatig bansa nang mas mahal.



Mas mapalad kung ikaw ay may asawa o kaanak na mandirigma, o kung tawagin ay timawa, (taong Malaya) pagkat mas mataas ang kanilang kinikita sa isang araw, kaysa sa mga uripon (alipin) na kung tawagin sa puod na ito ay ang mga Sagigilid. Ang salitang ito ay galing sa maynila at tawag noon sa kanilang mga tagasilbing babae, na nasa gilid-gilid lamang ng bahay dumadaan at sila ay tumutuloy sa bahay ng kanilang panginoon, mas nais na tawagin ng Rajah na sagigilid o namamahay ang mga alipin kaysa salitang uripon, pagkat mas kaaya-aya ito pakinggan.



Ang Aliping Namamahay naman ay may sariling tahanan hindi gaya ng Sagigilid.



Ang bawat nagt-trabaho sa puod na ito ay may sapat na kita na mas mataas kung ikukumpara sa siyudad. Pagkat lubos na pinahahalagahan ng Rajah ang mga manggagawa.


Mayaman ang kultura at tradisyon sa puod na ito gaya ng pag-aanito, pag-aalay, pakikipag-isang dibdib na kung saan ang Babaylan ang siyang nagkakasal, pakikipagkalakalan, palitan ng kalakal sa mga dayo, pakikipagsandugo sa mga kinikilalang kaibigan ng Rajah. Ang mga ito ay pinagyamang lubos ng mga nagdaang Datu at Rajah na magpahanggang ngayon ay nananatili at nagpapatuloy, na lalo pang pinagyaman ang puod na ito sa pamumuno ng Rajah Bagani.


Si Rajah Bagani ay isang Rajah na maisog, malupit ngunit may mabuting puso sa kanyang naaahopan, at pantay kung magpataw ng parusa. Siya ay may apat na mga anak sina Isagani na isang Ginoo, Bai Helena, Bai Huada, at Bai Hera na mga Binukot.


Kasalukuyan ay naririnig ang pagtugtog ng Kulintang at Agong ng ilang mandirigma, sinasabayan ang saliw ng pagtatama ng mga matatalim na kampilan ng Bai Huada at ng kanyang amang Rajah. Dinig na dinig ang pagtatama ng mga kanilang kampilan.


Nangingislap ang mga mata ng Bai, tiyak na siya sa kanyang nais, nalampasan na niya ang una at ikalawang pagsubok ng kanyang amang Rajah, ngayon pa ba siya susuko?



"Ano Huada? Ikaw ba talaga ay aking anak?" Wika ng kanyang Amang Rajah sa kanya.


Habang patuloy ang pagtatama ng kanilang kampilan, kamuntik pa siyang matumba ngunit nanatiling nakataas ang kanyang kampilan, agad ay lumapit siya sa kanyang ama at muli ay iwinasiwas ito at nagtama muli ang kanilang mga kampilan.


Mainit ang tunggaling ito at ang lahat ng mandirigma ay nasasaksihan ang nagaganap, at ang kanyang mahal na Ingkong na tahimik ngunit lihim na nangingiti na sa kanila ay nanonood.



Huadelein Delzado "Ang Bai"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon