Kabanata LXVII: ANG PAGKIKITA NI MR. G AT NG BAI
---
Third Person's PoV
Nakatanaw ang Bai sa mga talampas sa malayo, na kanyang nakikita mula sa balkonahe ng bahay bakasyunan ng pamilya ni Cleo. Nang tumunog ang kanyang teleponong selular, isang mensahe ang natanggap ng Bai Huada mula sa hindi niya kilalang numero.
Nang buksan niya ang mensahe, ay ito ang nakasulat.
Para sa pinakamagandang babae na bumabasa nito, kumusta? Ako ulit 'to. Alam kong curious ka, na makilala 'ko. Ako, kinakabahan! Hehe! Kung gusto mo ako makilala... Diyan mismo sa kinatatayuan mo ngayon, diyan tayo magkita mamayang 7:00pm.
Mr. G.
Napalingon ang dalaga sa kanyang kanan, kaliwa at maging sa ibabang dako. Ngunit wala siyang nakita na ibang tao, na kahina-hinala na maaari na maging si Mr. G. Walang tao sa kanyang paligid— kahit sa ibaba na maaari siyang matanaw.
Sino ka Mr. G ?
Ito ang tanong sa kanyang isipan, na mukhang magbibigyan nang kasagutan.
Bai Hera's PoV
Tahimik kaming naghahapunan, nang mapansin kong tila nakatitig sa akin si Lilibeth. Anong suliranin ng babaeng ito? At sa akin nakatingin?
Sa totoo lamang, ay tuwang-tuwa ako sa kanyang pagka-imbyerna sa akin kanina lamang.
Sinalinan ni Milan ng katas ng prutas ang aking inumin nang—
"Milan, huwag mo na lagyan ng katas ng ubas ang baso ni Bai Hera— baka sumakit ang kanyang tiyan mamaya sa pag-inom niyan," sabi niya kay Milan.
Anong karapatan ng Dayang na ito? Gusto kong uminom ng katas ng ubas!
"Paumanhin, Dayang. Ngunit paborito ng aking Bai ang katas ng ubas," saad ni Sima, na nasa aking tabi.
"Sino ang nagsabi sa iyo na maaari kang magsalita?"
"P-paumahin, Dayang. Ngunit nagsasabi lamang ng totoo ang aking kaibigan," pasintabi ni Milan.
"Ano naman kung paborito niya iyan? Ang aking utos ang inyong sundin, palitan mo ng tubig ang inumin ni Hera," utos ng Dayang kay Milan.
Mabilis kong pinigilan ang kamay ni Milan, bago pa man nito hawakan ang aking inumin.
"Ayos lamang, Milan. Iinumin ko ang katas na iyan, kayo ang gumawa niyan kaya tiwala ako na hindi sasakit ang aking tiyan. Tuwing hapunan naman ako umiinom ng iba't-ibang katas ng prutas, ni minsan hindi pa naman sumakit ang aking tiyan dahil sa mga iyon." Akin pang pinakatitigan si Lilibeth.
"Tama si Hera. Maging ako man, ay tuwing hapunan umiinom ng katas ng prutas— ni minsan ay hindi pa naman sumakit ang aking tiyan," wika pa ni Dayang Liwayway. "Sa katunayan nga ay masustansya ito," aniya pa.
BINABASA MO ANG
Huadelein Delzado "Ang Bai"
Fiksi RemajaManiniwala ka ba? Na sa modernong panahon natin ngayon ay may isang tradisyon pa rin ang nananatili sa isang puod na pinamumunuan ng isang Rajah? At may mga anak na Binukot at isang Ginoo? Ang tradisyon at kulturang ito ay panahon pa ng ating mga ni...