Kabanata V: Ang Sadya ng Rajah
---
Huadelein's PoV
Mapayapa akong nakahiga sa isang malambot na higaan, magpapatingin nga ako hindi ba? Magkapatong ang aking dalawang kamay sa ibabaw. Nakapikit ang aking mga mata nang maramdaman kong may pumasok na mga tao sa loob ng silid. At may umupo sa aking harapan.
"Okay, Young lady sabihin niyo po ang inyong nararamdaman nitong mga nakaraang araw," hindi ako nag-abalang idilat ang aking mga mata.
"May sakit po yata ako sa puso—" aking panimula, "nakararamdam ako ng hindi normal na tibok ng aking puso— mabilis at nakabibinging kabog—"
"Gaano po ito kadalas mangyari?" Tanong niya.
"Madalas po."
"Ngayon po young lady, isipin niyo po tuwing kailan niyo nararamdaman ang mabilis na pagtibok ng inyong puso."
Isa lamang ang pumapasok sa aking isipan ngayon, noong unang beses kaming magkita ni George. 'Yong nagkabanggaan kami sa pasilyo, tapos nagkalat ang kanyang mga make up at habang nagpupulot kami ay hindi sinasadyang mapalingon ako sa kanya. At nakita ang gwapo niyang mukha. Kapag tinitingnan niya ako ay waring sasabog na ang aking dibdib, lalo na noong unang beses niya akong ayain na mag bar. Noong kinindatan niya ako! Maalala ko lang, napahawak pa 'ko sa kaliwa kong dibdib noon— tinanong ko pa ang puso ko kung naroon pa ba siya.
Lalo na kahapon niyakap niya ako, ni hindi ko nga alam kung paano ako gaganti sa pagyakap niya sa akin dahil pinangunahan na ako ng malakas ng kabog ng dibdib ko— pagkatapos! May naramdaman pa akong kuryente.
A-ang puso ko! Hindi na naman normal ang tibok.
"Hindi ko po alam— pero, sa tuwing kasama ko po yata o nakikita? Nadidikitan, nginingitian niya ako ay nararamdaman ko 'to— malala na po yata ako doc."
"Okay young lady, base sa mga ibinigay mong mga sagot ay— INLOVE po kayo—" napadilat at napaupo ako nang wala sa oras!
"YOOOWN!" Rinig kong hiyaw ni Azerine, na wari ay tuwang-tuwa pa! Binigyan ko siya ng isang pamatay na tingin na siyang ikinatahimik naman niya. Tuwang-tuwa pa siya na may sakit ako? Aba! Hindi naman yata tama iyon! Ako 'tong magdudusa sa sakit, oh! Ibinaling ko ang tingin kay Doc Hart.
"Doc? Delikado na po ba sakit ko? Anong stage na po ba? Baka naman pwede pa po ako magpa surgery? Gusto ko pa po mabuhay, doc! Gawin niyo po ang lah—" natigilan ako nang humagalpak ng tawa ang tomboy.
"HAHAHAHAHA!!!"
"Anong tinatawa-tawa mo riyan? Tomboy na napagkaitan ng balls ha?" Seryoso kong tanong sa kanya. Sa halip na sagutin ako ay nagpatuloy lamang siya sa kanyang pagtawa, habang si Doc Hart ay kalmado at bahagyang nakangiti.
"HAHAHAHAHAHA! Doc, kayo na nga magpaliwanag sa tomboy na 'yan! Hindi ko na po talaga kasi kinakaya eh! HAHAHAHAHA!"
![](https://img.wattpad.com/cover/255303176-288-k242130.jpg)
BINABASA MO ANG
Huadelein Delzado "Ang Bai"
Novela JuvenilManiniwala ka ba? Na sa modernong panahon natin ngayon ay may isang tradisyon pa rin ang nananatili sa isang puod na pinamumunuan ng isang Rajah? At may mga anak na Binukot at isang Ginoo? Ang tradisyon at kulturang ito ay panahon pa ng ating mga ni...