Kabanata LIV: Ang Pasya Ni Bai Liwayway
--
Huadelein's PoV
"Tila hindi ko matatanggap iyan, Bai—"
"Ngunit ito'y handog ko sa iyo, bilang pasasalamat sa iyong pagtanggap sa akin, kung kaya't sana ay tanggapin mo ang munti kong handog sa iyo, Bai."
"Ngunit Bai Huada, ikaw ay naghahanap ng Binukot na makakaisang dibdib ng iyong kapatid, at hindi para sa akin ang mga handog na iyan," aniya.
"Para sa iyo ang handog kong ito, tanggapin mo sana, Bai. Sapagkat para sa iyo talaga iyan, hindi man kita maisama sa aming puod upang makaisang dibdib ng kapatid. Ngunit babaunin ko sa aking pag-alis ang iyong matatamis na ngiti. Na aking isasalaysay sa aking ubo Isagani."
Nakalulungkot man na hindi ko siya maisasama pabalik sa aming puod, ngunit masaya ko naman lilisanin ang puod na ito pagkat nasilayan ko ang babaeng sinasabi ni Nana Mata sa himalad.
"Kung gayon—" hindi ko na ito pinahintulutan pa magsalita.
"Wala kang dapat isipin, Bai Liwayway. Paano? Tutuloy na kami, Bai. Masaya akong makilala ka, hanggang sa muli nating pagkikita Bai Liwayway."
Bai Liwayway's PoV
"Ano at hindi ka makasalita riyan, Liwayway? Nagpapaalam na sa iyo ang Bai," wika ni Saraw, na tila gumising sa akin.
Aalis na ang Bai? Na wala man lang kasama na Binukot? Na sana'y makakaisang-dibdib ng kanyang nakatatandang kapatid sa kanyang pagbalik. Tila hindi tama iyon, lalo na at pinakitaan niya ako ng kagandahang loob.
"Paalam—" tanging naisambit ko na lamang.
Ngumiti ang Bai Huada, atsaka tumalikod na at sinamahan siya ni Saraw palabas ng Bukot.
Tila hindi tama na uuwi ang Bai ng kanyang puod na walang kasama na Binukot, upang makaisang-dibdib ng kanyang kapatid. Wari ay hindi ito kaya ng aking tanlag, napakabuti niya sa akin.
Mayamaya lamang ay pumasok na si Saraw sa aking Bukot, at dali-dali ko itong sinalubong.
"Saraw! Ang Bai Huada ba ay nariyan pa?" Aking tanong.
"Oo. Liwayway, nasa labas pa sila ng balay na ito. Ang sabi sa akin ng Bai ay magpapahinga lamang sila ng sandali at sila'y tutuloy na."
"Gayon ba? Dali ka Saraw, at tawagin mo ang Bai, ako sa kanya'y may sasabihin!"
"Oo, sige Liwayway, ako'y bababa na."
Argo's PoV
BINABASA MO ANG
Huadelein Delzado "Ang Bai"
JugendliteraturManiniwala ka ba? Na sa modernong panahon natin ngayon ay may isang tradisyon pa rin ang nananatili sa isang puod na pinamumunuan ng isang Rajah? At may mga anak na Binukot at isang Ginoo? Ang tradisyon at kulturang ito ay panahon pa ng ating mga ni...