Kabanata XXVIII: Ang Organisasyon
--
Tres's PoV
Nagising ako dahil may nag d-doorbell, nag-unat muna ko bago bumangon sa hinihigaan kong couch, ang aga naman mang gising ng isang 'to. Sino kaya 'to? Di umuwi kagabi si Jace, saan na naman kaya nagsuot 'yon?
Binuksan ko ang pinto at dumiretso sa gate, pagbukas ko nakita ko si Jace pfft! May mga chikinini sa leeg!
"Taenang 'to oh! Inuumaga sa babae," bungad ko.
"Siraulo!" Sagot naman niyang nakangisi.
Pumasok agad siya ng gate at isinara naman niya agad 'yon, at pumasok na sa loob ng bahay.
"Saang bra ka na naman sumiksik Jace?" Tanong ko, nang makapasok ako ng pinto at dumiretso sa couch at naupo.
Pumunta naman ang loko sa kusina at mukhang magt-timpla ng kape, mukhang walang balak sumagot ang isang 'to ah!
"Woi! Jace! Tinatanong kita kaninong bra ka na naman nagsumiksik kagabi huh?"
"Kasama ko buong gabi si Penelope Huggins," sagot niya, habang nagt-timpla ng kape sabay higop sa mug niya.
Teka! Kalaban 'yon ah?
"Di ba kalaban 'yon? Mayayari ka kay boss niyan--" sabi ko, pero agad din nagsalita si Jace
"Kakampi si Penelope, hindi siya makikialam hanggat narito ako na pinagnanasaan niya," aniya, na akala mo seryosong-seryoso sabay lapag ng mug niya sa kaharap kong mesa.
Iba rin talaga ang isang 'to.
"Iba ka rin Jace! Pati ba naman si Penelope na kalaban natin nabingwit mo!"
"Putcha! Ayaw na nga 'kong pauwiin Tres-- hinarangan pa 'ko ng mga tauhan niya, syempre todo explain ako kay Penelope para payagan ako makaalis," paliwanag niya.
Parang seryoso talaga si Jace sa sinasabi niya, totoo nga kayang kakampi si Penelope?
"Totoo ba 'yong sinasabi mo Jace? Na kakampi si Penelope?"
"Oo, hindi siya makikialam nasa akin ang loyalty niya," sagot pa ni Jace.
"Teka, sandali! Paano natin naging kakampi si Penelope Huggins?" Tanong ko.
Syempre kalaban 'yon, hindi ko alam kung totoong kakampi ba talaga si Penelope Huggins.
"Di ba no'ng itakas natin ang Bai sa engagement party sa kanya ko naka toka? Putcha! Ano ba sa palagay mong ginawa ko roon Tres? Nakipag patintero?" Saad niya.
So, ibigsabihin talagang ginamitan niya ng matinik at pamatay na taktika haha!
"Napaka lupet mo naman pala Jace, sa susunod sayo ako magpapaturo," sabi ko.
Matinik pala si Jace sa babae tsk! Tsk!
"Maswerte lang talaga ko no'n dahil nagtagumpay ako sa misyon ko haha, kaya nga pagkarating ko sa meeting place no'n wala akong galos di ba? Kasi nga hindi tumulong sila Penelope kina Nemesis, hindi siya nakialam," saad pa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/255303176-288-k242130.jpg)
BINABASA MO ANG
Huadelein Delzado "Ang Bai"
Fiksi RemajaManiniwala ka ba? Na sa modernong panahon natin ngayon ay may isang tradisyon pa rin ang nananatili sa isang puod na pinamumunuan ng isang Rajah? At may mga anak na Binukot at isang Ginoo? Ang tradisyon at kulturang ito ay panahon pa ng ating mga ni...