Kabanata XX: Selos?

105 31 8
                                    







Kabanata XX: Selos?




--



Huadelein's PoV


Kapapasok ko pa lamang ng paaralan nang makita kong may kausap na apat na babae si Tres, ang isa nakakapit sa kanyang braso habang ang isa naman ay pinaglalaruan ang kanyang mga daliri, samantalang ang dalawang babae naman ay tila tuwang-tuwa sa pinag-uusapan nilang lima.


Nilapitan ko ang mga ito.


"Baka nais niyong magpunta muna ng restaurant, upang doon ay ituloy ang inyong nakatutuwang pinag-uusapan," aking wika sa kanila, dahilan upang mabaling sa akin ang kanilang atensyon.


"B-Bai! Este! Huadelein andiyan ka na pala!" Tila ba itong nagulat nang makita ako.


"Kanina pa," aking wika at baling ng aking tingin sa ibang dako.


"Ah girls, mamaya na lang ulit," wika niya sa apat na babae.


"Bye Tres, mamaya na lang ulit," ani ng isang babae.


At umalis na ang mga ito sa harap namin.


"T-tara na. Boss, puntahan na natin sila Azerine sa cafeteria," aya nito sa akin.


"Tayo na,"


Sumunod ako sa kanya, at papunta na kami sa likod ng gusali nang mapansin ko ang pangkat ni Dos na may kasamang mga babae.


Nakita ko si Dos na may kasama itong babae, mistulang nasa isang pasyalan sila at naglalambingan, ang bawat isa sa kanila ay may kalong na babae.


"Boss, sa kabila na lang tayo dumaan," biglang harang nito sa aking harapan.


Hinarangan niya ang mga ito ngunit ang aking paningin ay nasisilip pa rin sila.


"Bakit hindi tayo tumuloy Tres?" Aking tanong.


"Ano kasi-- boss, p-pangit dumaan dito--" batid kong nagdadahilan lamang ito.


"Ano ang sinasabi mo Tres? Madalas ako dumaan dito kaya huwag kang humarang riyan! At tayo ay tumuloy na--"


Humakbang ako upang sana lampasan si Tres ngunit humarang siya muli sa aking harapan.


"Boss, huwag na tayo rito dumaan sa iba--" Hindi na naituloy pa nito ang sinasabi dahil tuluyan ko nang nakita ang pilit niyang hinaharangan.


Nakita kong may nakakandong na babae kay Dos, at napansin kong gulat na gulat ito nang makita ako. Ano ang kanyang suliranin?


"Ito ang pilit mong hinaharangan Tres? Walang katuturan,"


"B-bai--" Hindi na ito nakapagsalita pa.


At napansin kong lumingon sila sa dako namin ni Tres. Maharahil ay napalakas ang aking boses.


"Woi! Dos! Dos! --Si Huadelein!" Rinig kong tawag ni Argo sa kaibigan niya.



"Tayo na! Tres! Huwag tayong mag-aksaya ng oras dito," aking wika, at tumuloy na kami ni Tres at nag-umpisa nang lumakad.


"H-Huadelein!" Tawag ni Dos sa aking ngalan.


Ngunit hindi ko ito nilingon, tumuloy na kami sa paglakad ni Tres palayo sa kanila, narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin ngunit hindi ko na ito pinansin pa.


Huadelein Delzado "Ang Bai"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon