Kabanata LVII: Ang Pag-iisang Dibdib

31 2 0
                                    









Kabanata LVII: Ang Pag-iisang Dibdib




--





Third Person's PoV


Ika siyam nang umaga at nagtungo na sina Rajah Bagani, Isagani at ang Dayang Lilibeth sa munting balay kung saan naroroon ang Bai Liwayway, sampu ng kanilang kaanak, mga sandig at mandirigma. Mula pa kagabi ay naroroon na ang Bai, sapagkat dito gaganapin ang kasal.


Sa labas ng balay ay naghihintay si Datu I-tim sa pagdating ng Ginoong makakaisang dibdib ng kanyang anak.



"Magandang umaga, Rajah," bati ng Datu.


"Magandang umaga--"



Isang kagon (tagapamagitan) ang humarap kay Datu I-tim na may hawak na isang pinggan at inilagay niya rito ang isang prutas. Matapos niyon ay pinatuloy na ng Datu ang Rajah, si Isagani at ang Dayang kasama ang mga sandig upang simulan na ang tawaran ng bugay.


Inilapag ng mga sandig ng Rajah ang tatlong mga ginintuang sisidlan sa harapan ni Datu I-tim, at ito'y binuksan nina Paragahin at Aguila-- na ikinabigla ng mga kaanak ng Datu nang makita ang mga nilalaman nito. Sino ba ang hindi mabibigla kung iyong makita ang isang sisidlan na puno ng bulawan? Hindi lamang basta bulawan kundi gold bars, ang ikalawang sisidlan naman ay puno ng salapi, at ang ikatlo ay napupuno ng iba't-ibang alahas na yari sa ginto, pilak at napapalamutian ng mga mamahaling jade, brilyante, at diyamante.


Samantalang si Lilibeth Hillari naman ay pinipigilan ang inis na kanyang nadarama, iniisip na sa kanya dapat ang mga iyon kung hindi lamang siya naunahan ni Huada sa paghahanap ng mapapangasawa ng Ginoo.


"Datu, ang ikalawang sisidlan ay nagkakahalaga ng dalawang bilyong piso, liban pa ang una at ikatlong sisidlan-- sapat na ba ito Datu, kapalit ng kamay ng iyong anak na Bai?"


Ang mga kaanak ng Datu ay tila hihimatayin nang marinig kung magkano ang salaping sa harap nila'y nakalatag, sila'y naghihintay ng itutugon ni Datu I-tim.


Waring sumama naman lalo ang loob ng Dayang sa laki ng salapi na inilaan para sa kamay ni Bai Liwayway.



Sa akin dapat ang mga ginto, billion, at mga alahas na iyan.



"Sapat na iyan, Kapunuan. Nakikita ko naman sa aking anak na si Liwayway na siya'y masaya na makikipag-isang dibdib sa iyong anak." Tugon ng Datu.


"Hindi ka ba hihiling ng himaraw, Datu?" Tanong ng Rajah.


Himaraw ( regalo para sa nag-alaga ng ikakasal)


Ngumiti ang Datu atsaka tumugon,"Hindi na kailangan pa Datu, labis na ang inyong ibinigay--"


"Kung gayon Datu, ang hindi maibibigay sa iyo na himaraw dahil sa iyong kababaang-loob-- ay siyang idadagdag sa buwanang donasyon sa inyong puod," wika ng Rajah.


"Daghang salamat, Rajah," ani ng Datu.


"Huwag ka sa akin magpasalamat Datu, ito ay napagkasunduan na namin ng aking anak na si Isagani."


"Kung gayon ay daghang salamat Ginoo."


Ngumiti lamang ang Ginoo sa Datu.


Huadelein Delzado "Ang Bai"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon