Hanne's pov
Time Check.. 12:28 am
Nakahiga lang ako sa kama kung saan ako matutulog. I mean, KAMI matutulog. Capslock yan para malaman niyo. And if i say KAMI, kaming lahat talaga. Dale as dale will still be a protective kuya to helga.
Hindi niya pinayagan na mag solo sa isang kwarto ang dalawa. Ewan ko ba, nung nag stay naman kami sa bahay nila. Okay lang sakanya. Pero ngayon, hindi daw pwede.
At ang weird pa dun. Sumang ayon din agad si marco. Tapos mag titinginan sila ni dale. Tapos biglang tatango si marco. Bakit ganun? Paano niya nalalaman ang gustong sabihin ni dale gamit ang tingin lang? Clueless talaga ako.
Tapos kanina after dinner namin. Hindi na maubusan ng kausap yung dalawa. Lalo na si dale, lagi siyang may tinatawagan o lagging may tumatawag sa kanya. At ganun din si marco. Kaya nga nainis si helga kanina, dahil pag sasagutin ni marco yung phone niya. Lalayo siya kay helga.
Ganun din naman ginagawa ni dale. Pero iniintindi ko na lang. Kahit medyo napapaisip ako kung sino kausap niya kanina at halos din a niya mabitawan ang phone niya. And back to the main topic.
So we ended up here. Me and dale at the bed and helga and marco at the floor, syempre with foam yun alangan naman sa sahig lang talaga sila diba? Nilipat nila ni marco yung foam kanina dito sa master's bedroom. Kaya mag katabi pa din si marco at helga.
Buti nga si dale pinapayagan si helga na makatabi ang boyfriend niya sa pag tulog, while me on the other hand feeling ko hindi ako papayagan ni kuya. Si kuya alex pa!! Asa na lang ako!
I don't know why i can't sleep, siguro namamahay ako? Tinignan ko si dale na mukhang tulog na. Bakit ba kasi ang gwapo niya lord? Ang tangos ng ilong, ang kinis ng mukha tapos yung buhok niya mukhang alaga talaga sa shampoo.
Pero pinakagusto ko sa mukha niya is yung eyelashes niya. Grabe lang! Ang kapal tapos mahaba pa. Lalong nakakadagdag ng kagandahan ng mata niya yun eh.
Napatingin ako sa labi niya. Bigla akong napalunok. Yang labing yan. Jusko po. Napapangiti tuloy ako sa naalala ko.
Yun yung pinakamasayang mga araw sa buhay ko. Yung simula nung midnight dance hanggang sa naging kami at pati ngayon. Sana tuloy tuloy na to.
Ang tagal kong pinangarap na maging boyfriend si dale. Lagi kong iniisip noon na sobrang saya siguro pag naging akin na siya at eto nga akin na talaga ang lalaking pinakamamahal ko, katabi ko pa nga oh.
Bumangon muna ako ng dahan-dahan para di magising si dale. Baka rape-in ko pa si dale pag nag tagal pa yung titig ko sakanya eh. Gusto ko lang mag pahangin or should i say libutin tong bahay nila.
Malaki tong bahay na ito. Sa totoo lang, mas maganda pa nga to kesa sa bahay namin. Pero mas malaki nga lang yung amin. Pero dito kasi high-tech lahat. Mula sa pinto, bintana, stove, tv at lahat nakasecurity alarm.
Kung ako tatanungin, ayoko tumira sa lugar na to. Pakiramdam ko kasi pag andito ka sa loob, para kang isang taong may tinataguan. May mga cctv sa bawat sulok ng lugar. Nakakailang!
Pumunta muna ako sa kitchen at uminom ng tubig. Nanuyo kasi lalamunan at labi ko kanina nung tinititigan ko si dale eh. Na-te-tempt ako kanina. After ko uminom, nilibot ko muna yung kitchen.
Infairness naman sa bahay na ito. Kumpleto lahat at sobrang linis. Sabagay, dalawa ang caretaker ng bahay na ito. At yun lang naman kailangan nilang gawin sa buong araw. Ang mag linis ng mag linis!
Pumunta na ako sa living room at baka magising ko pa yung caretaker ng bahay ni dale. Malapit lang kasi yung quarter nila sa kitchen.
Nakita ko yung mga picture frame sa baba ng hagdanan. Tinignan ko isa-isa yung mga yun. Mga picture ni dale kasama ang family niya, kasama ang mga kaibigan niya, picture nilang dalawa ni kuya alex nung bata pa sila, picture namin nila helga nung graduation ng high school kasama mga parents namin.
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Teen Fiction"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...