32♥♥♥ Unfair life

201 5 0
                                    

Hanne's pov

"Everythings gonna be alright. Okay?" Sabi ni ate jean sa akin.

Andito pa din kami sa bar ni a5. We are all here except kuya alex na hindi din nila alam kung nasaan na at hinahanap daw ako. Sinabi ko kay ate jean na andito ako kaya siya nag punta. Andito na din sila kuya lance at kuya ace.

Kahit pinipilit ko sa sarili ko na okay lang ako. Magiging okay lang ang lahat. Pero iba yung pakiramdam ko sa mangyayari ngayon eh.

Si helga nakayakap lang sa akin at nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. Si ate jean naman hawak lang ang kamay ko habang nakaupo sa left side ko. Si kuya lance, kuya ace at dale nag uusap sa labas ng room na pinuntahan namin ni dale kanina.

Hindi namna ako lalaong kakabahan sa nangyayari kung hindi dahil sa mga galaw nila. Natataranta sila, kinakabahan, natatakot. Hindi ko alam kung kailangan ko bang irelax ang sarili ko o ano.

Naisip ko yung kwento noon sa akin ni kuya ace. Yung about sa kaibigan nila dati. Nalulungkot akong isipin na baka hindi na kaibigan ang turing nila kay dale ngayong nalaman na ni kuya alex. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa nangyayari.

Oo nga at 18 na ako. Pero nawala sa isip ko yung bro code na sinasabi ni kuya ace noon. Hindi ko kasi talaga sineryoso kasi ganun din naman si kuya ace. Bigla kaming nakarinig ng dabog sa entrance ng bar. Napatayo kami nila ate jean at helga ng wala sa oras. Nag katinginan kami ng nakita naming pumunta dun sila dale.

Lumabas kami ng room at sinundan sila. Hindi pa kami nakakalpit ng makita naming si kuya paulo lang ang meron. Inaawat siya nila kuya lance at kuya ace. Nakita ko si dale na naupo sa sahig. Napatakbo tuloy ako sakanya.

"Dale!!" Sigaw ko at lahat sila napalingon sa akin at natahimik.

Nakalapit na ako kay dale at inalalayan siyang tumayo. Nakita kong may dugo yung labi niya. Napaiyak na tuloy ako. Why did they want to hurt him? At bakit siya sinaktan ni kuya paulo?

"Hanne, let's go. Iuuwi na kita. Fuck. Bitawan niyo ako lance. Bitaw ace sabi eh." Pasigaw na sabi ni kuya paulo. Nakita kong palapit sa amin si helga at umiiyak na naman. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko at naiyak na naman ako.

Parang alam ko na ang nararamdaman ni helga ngayon. Nasasaktan siya dahil ayaw niyang mahiwalay kay marco. Natatakot siyang mawala si marco. Nararamdaman ko na ngayon yung takot at sakit na yun.

"Iuuwi? Para ano kuya pau? Para ihiwalay kay dale? No! Hindi ako sasama sayo. Hindi ako uuwi. Dito lang ako kay dale. Dito lang!" Umiiyak na sabi ko habang nakayakap kay dale.

Umiiling iling ako at hinigpitan ang yakap sakanya ng hindi ko maramdaman ang yakap niya. Hindi ako hahayaan ni dale na mawala sakanya. He will fight for me. Napakababaw lang naman nitong nangyayari eh. Bakit ba sila galit sakanya? Dahil kami na? Bakit hindi na lang sila maging masaya? Para namang ngayon lang namin nakilala si dale. Hindi ko talaga sila maintindihan.

"You don't know what your talking about hanne."Narinig kong sabi ni kuya paulo. Idinilat ko ang mata ko sakanya at tinignan siya.

"I know what i'm talking about. Mahal ko si dale kuya paulo." I said firmly habang umiiyak. Nakatitig lang ako sakanya kahit na may luhang tumutulo sa mata ko, kahit na nanlalabo na ang mata ko.

Naririnig ko pa din ang iyak ni helga, tumingin ako sakanya at yakap yakap siya ni ate jean. Tumingin ako kay kuya lance at kuya ace na nag pipigil ng galit. Si kuya paulo na umiwas ng tingin. They don't want me and helga crying. They always said that to us.

"Is this is what you all want? Me and helga crying? Hurt? Yun ba ang gusto niyo? Akala ko ba, you all want us to be happy? Happy ba kami ngayon? NO!" Huminga ako ng malalim at kumalas ng yakap kay dale. Lumapit ako kila kuya lance at kuya ace na nakahawak kay kuya paulo.

A Million Reasons To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon