Hanne's pov
Lumipas ang ilang araw na hindi ko nakita si dale. Pero kung paminsan minsan mag tetext o kaya naman tatawag. After that night, lalo akong naging blooming at gumanda. Char! Oh well, Busy daw kasi siya dahil siya at si kuya alex ang umasikaso sa kumpanya nila. Para rin silang si papa at tito leo. Partners forevah! Wala kasi sila tito leo at papa. Nasa vacation sila kasama si mama at si tita olive. Maliban sa mga party na pinupuntahan nila. Hindi tuloy complete ang araw ko pag di ko siya nakikita.
Anyway, andito ako sa kusina at nag be-bake ng fondant cupcake. Mahilig ako mag bake, gusto ko ngang maging professional pastry chef eh. Andami kong gusto. Haha!
Sabi nila magaling daw ako magbake ng cakes, cupcakes, muffins, cookies, breads and etc. Kumuha lang naman ako ng architecture dahil kay dale my ♥. Para masundan ko siya. Oh diba? Napakadakila kong tagapaghanga niya. ~^O^~
After kong magbake, pinalamig ko muna siya at gumayak na ako para sa out of town namin. Kahapon pa wala sila mama, papa, tita olive at tito leo dahil nag out of town sila. Nag solo eh, at dahil certified princesa kami ni helga nang aming pamilya, napilit namin silang sumunod kami ni helga sa resort na pag mamay ari ng kaibigan nila papa.
Sabi nila sa amin hindi daw yun private resort, hindi naman daw gaano kadami ang tao kaya naman lalong naexcite si helga. Mahilig kasi siya mag guy hunt. Kahit may boyfriend na yun, tumitingin pa din siya sa ibang hot and handsome boys pero hindi naman siya nakikipag flirt. Hindi flirt ang bestfriend ko no. Konti lang naman, mga 5% siguro. hahaha.
Sinundo na ako ni manong fred, driver nila helga. Ang aking bestfriend? Eto nakahiga sa backseat. Sakop niya nga lahat eh. Tinanong ko kay manong kung bakit tulog si helga sabi naman ni manong.
"Naku hanne, kakauwi niya lang kanina. Hindi na nga nakaligo at nagpalit yan eh. Nakita ko na lang na hinatid siya ng isang lalaki na may kulay asul na kotse tapos kinuha lang niya gamit niya sa kwarto at tinawag na ako na sunduin na namin kayo." Infairnes ang daldal ni manong ngayon. So, magkasama buong gabi si helga at marco? hmm. Tatadtadin ko siya mamaya ng mga tanong.
Hindi ko papalagpasin ito helga bestfriend. Kaya matulog ka lang diyan at mag ipon ng energy para mamaya. HMP!!
Sinasabi ko yan inside my mind habang nakataas ang isang kilay at naka cross arms pa. ~_^
Hindi ko na sinagot si manong pero tinanong ko siya kung may sinabi ba siya kay dale about sa secret namin. Isa kasi siya sa nakakaalam na may gusto ako kay dale eh. Pero sabi niya di naman daw siya, hindi naman daw siya madaldal na tao eh. Kung sabagay nga naman. Tinigil ko na lang ang pag dadaldal kay manong fred at iidlip muna. Mahaba pa ang biyahe, Im sure gabi na kami makakarating doon. Or hapon?
*
Naalimpungatan ako dahil ginigising ako ni helga. Alam kong siya yun dahil sa nakakairita niyang boses.
"Wake up sleeping beauty. We're here." I open my eyes and stretch my body outside the car. Pag-tingin ko sa paligid, WOW lang. Nakakare-fresh ang hangin. Ang sarap lang damahin. Kung nandito din sana si kuya at si dale my ♥. *sigh*
Tinulungan kami ng bell boy magbuhat ng gamit namin. Nakapag reserved na pala sila papa at tito leo. Pagdating sa hotel room namin ni helga, tinadtad ko na siya ng sermon pero ang bruha. Tawa lang ng tawa. Loka to! Wala lang sila tito't,tita at si dale eh hindi na umuwi kagabi.
"Ikaw bes ah. Sinasabi ko sayo. Hinay hinay ka lang. Baka mamaya, masaktan ka lang." Sabi ko sakanya.
"Ano ka ba bes. Ako pa? Sus.. Wala ka na atang bilib sa akin eh?" Inismidan ko lang si Helga. Bilib na bilib sa sarili eh.
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Teen Fiction"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...