17 ♥♥♥ hanne busangot

244 7 0
                                    

Hanne's pov

4 na araw na ang lumipas simula nung nag stay ako dito kila dale. And to tell you, ang daming nangyari. Magkatabi kami lagi ni dale matulog. Grabe kami kung maghalikan. Sobra pa sa sobra. Mamaya maya, hahalikan niya ako. Tapos sasabihin niya sa akin. 'I just can't stop.' Siraulong lalaki. Mas naging extra sweet kami sa isa't isa. But to clear things out, hanggang halikan pa lang po kami. Wala pang second base. I swear!

Sobrang clingy din niya. Napaka-maalaga pa niya, sobrang lambing at ang sarap niyang kasama kahit minsan seryoso na siya pag may kaharap na kaming iba, pero kahit andyan sila helga, napaka-clingy pa din niya. Apat na araw, ang daming nangyari sa apat na araw na yun at talaga namang natutuwa ako sa apat na araw na yun. Unforgettable talaga!!

Pero kahit na lagi kaming magkatabi ni dale matulog at kung mag halikan eh wala ng katapusan. So far, di pa naman siya nag te-take advantage sakin. Wala pang nangyayari samin, dahil sabi nga niya. Hihintayin naming maging legal yung relationship namin bago kami pumunta sa ganong stage ng relationship.

Si dale nag biro pa, baka daw patayin siya ni papa at ni kuya alex pag nalaman nilang may nangyari na sa amin. Bilib ako sakanya, alam kong madaming babaeng nakapalibot sakanya noon, hanggang ngayon pa din naman eh. Pero noon, kaliwa't kanan may nababalitaan akong babae niya, naririnig ko kila kuya.

Pero ngayon, goodboy na. Pero syempre di pa ako sigurado kung wala na nga talaga. Mahirap na. Sabi nga ni mama, expect the worst. Para hindi ka masyadong masaktan. Pero feeling ko naman, mahal talaga ako ni dale. At ako nalang talaga ang babae sa buhay niya. Nakakabilib lang kasi, napabago ko ata siya?

Ngayong araw na to, wala ng bagyo pero ayoko pa umuwi. Dapat kasi nasaktong 1 linggo eh o kaya bumagyo na lang ng ilang taon. Haha. Joke lang naman. Kawawa naman yung mga apektado eh. Ang selfish ko naman ata pag ganun.

2 araw ng walang ulan pero malamig pa din. Kaya hobby namin ni dale ang mag kulong sa kwarto at mag yakapan. Parang nung nakaraan lang, naiinis ako kila mama at papa dahil nag kukulong sila sa kwarto. Pero tignan mo nga naman, nasa ganong sitwasyon na ako nung nakalipas na araw.

"Hey! Emo ka na naman." Sidale. Ang boyfriend kong ubod ng sweet. Eto nga oh, Yakap yakap niya ko sa likod. Ene be!

Iiiihh. Kinikilig talaga ako kay dale. Siya lang nag paparamdam sa akin ng ganito. 17 palang ako pero lumalandi na ang lola niyo. Parang kahit kailan, lagi na akong kikiligin pag andyan si dale. Ang lakas na talaga ng tama ko sa lalaking to.

"Wala na kasing bagyo. Pwedeng pwede na ko umuwi. (sigh) Ihahatid mo na ba ako dale?" Pinalungkot ko talaga ang boses ko para naman di niya ako ihatid mamaya.

"Of course not. Patago na nga lang relasyon natin eh. So might as well, susulitin na natin to habang wala pa ang kuya mo." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Naku-naku tong si dale. Napaka-clingy talaga. Laging yumayapos tapos gusto laging magkahawak kamay namin.

"Yey! Akala ko ihahatid mo na ako ngayon eh. Nakapang-labas ka kasi." Humarap na ako sakanya at inayos ko pa yung nagusot niyang damit dahil sa pag kakayakap niya sa akin. Hindi na ako masyadong nahihiya sakanya. Medyo lang naman.

"Hindi ka sasama? Kailangan nating umalis at may ichecheck ako sa company saglit and after that pupunta tayong super market. Wala na tayong foods."

Hinila ako ni dale papunta sa cr at inabutan ako ng damit. Okay. Gets ko naman eh. Isasama niya ako para bumili ng mga pagkain namin. Naubusan na kasi sila eh. Ganun naman talaga diba? Pag malamig ang panahon, kain lang ng kain ang gagawin mo. Kaya yun lang din ginagawa namin. Lalo na si helga.

Mabilis lang akong nag bihis at pumunta na sa baba. Medyo malamig pa naman pero wala ng ulan kaya sakto lang tong binigay sa akin ni dale na jacket at pants. Pinagbuksan ako ni dale ng pinto ng kotse. Akala ko kaming dalawa lang pero nasa backseat si helga at marco.

A Million Reasons To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon