Hanne's pov
Nakapag-prepare na ako ng dinner para sa aming apat. Nag luto ako ng sweet and spicy fish fillet at putchero na paborito ni dale. Nilagay ko na din sa tray yung mga kakainin namin ni dale at nag patulong ako kay helga at marco na iakyat ang mga yun papunta sa kwarto ni dale.
Nang makarating kami dun, nilapag na nila yung mga pagkain sa mini table na nasa kwarto niya. May mini living room kasi siya dito. Nasa banyo si dale, dahil naririnig ko yung tunog ng shower. Inayos ko na agad yung mga plato bago ako tumayo at hinintay siyang lumabas.
Alam kong nakakahiya na naman to. Pero ano pa ba magagawa ko? Gusto ko siyang lambingin, na-guilty ako sa ginawa ko kanina. Natiis ko siyang kumatok sa pinto ng room ko dito ng ilang oras. Si helga kasi, ang galing mangonsensya eh.
Bumukas yung pinto at nakita ko siyang nakatapis lang. Jusko po. Ang hot naman ng boyfriend ko. Iiiih! Di pa din madigest ng utak ko na kami na talaga ni dale. Ultimate crush ko siya eh. Wala mang ligaw-ligaw. Okay lang sa akin. Mahal ko siya, mahal niya ako. Bakit pa kami mag sasayang ng panahon diba?
Umatras muna ako at buti hindi niya ako nakita. Dumeretcho siya sa walk-in-closet niya at dun na nag palit.
"♪♪♬♪♪ Ikaw na, ang siyang tugon kapag mayroong problema.... Ikaw na, ang para sakin ay naiiba ka.... Ikaw na, Ikaw pa, Ikaw na at wala ng iba.. ♪♪♬♪♪"
Wow naman ang boses ni dale. Para sa akin ba yung kanta? Malamang, ako girlfriend eh diba? Assumera na talaga ako. Pero may karapatan na akong mag assume. Not like before.
Nag ha-hum na lang siya ngayon habang nag pupunas ng buhok sa ulo. Nakapalit na din siya. May naisip akong kapilyahan kaya lumapit ako sakanya ng dahan dahan. Nag ha-hum pa din siya at nag pupunas ng tuwalya sa ulo kaya siguro hindi niya ako marinig.
"BOO!!" Tinulak ko siya konti para lalong magulat.
"Fvcksh-t" HAHAHAHAHA. Epic yung mukha niya. Kahit kailan talaga si dale. Magugulatin. Pffft!
Tawa lang ako ng tawa habang siya naman, Pinapakalma ang sarili. Napa-upo din kasi siya sa sahig dahil sa gulat eh. Nung tumayo na siya, nag pipigil na lang ako ng tawa. Kasi ang sama na ng tingin niya sa akin eh.
"Mean girl." Seryoso boses niya kaya automatic na nahinto yung tawa ko. Katakot talaga si dale pag ganyan makatingin. Mag kasalubong ang kilay. Ayoko pag ganyan siya eh.
"You want to play? Fine then. Let's play!" Sabay smirk niya at sinabit yung towel sa kung saan. Ako naman napalunok na lang. Myghad! Wrong move ata ako eh.
"Get ready hanne. Huwag kang papahuli." Sabi niya sabay pakita nung hintuturo niya sa akin at ginagalaw galaw yun. Huwag niyang sabihing....
"Waaaaaaaaaaah. Huwag kang lalapit dale." Tumakbo ako sa pinto ng kwarto niya pero bakit locked.
"Helga, open the dooooooorr!" Narinig ko si dale na tumatawa habang palapit sa akin kaya naman no choice kundi tumakbo sa malaki niyang kwarto. Sinara pa niya yung pintuan ng walk-in-closet niya at yung cr. Siguristo talaga to!
"Waaaaaah. Please dale. Maawa ka sa akin. Alam mong kahinaan ko yun. Sorry naaaaaa." Sinisigaw ko yan habang tumatakbo. Ano ba naman kasi hanne. Ang tanga mo ever. Di mo naisip na gagantihan ka niyan. Takbo lang ako ng takbo at habol lang siya ng habol.
"Gotcha!" Sh-t nakuha ako ng kapre na to. Ang tangkad niya kasi kaya ang haba ng legs. Nahabol niya tuloy ako agad. Binuhat niya ako ng parang sako at nilapag sa malambot niyang kama.
Pumatong siya sa akin, habang hawak ang mag kabila kong kamay. Corner na corner na ako ah. Sana lang di ako mamatay sa gagawin niya, sana lang maging okay pa pag hinga ko after nito, alam kong mapapagod ako ng bongga eh. Asan na ba yung inhailer ko?
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Teen Fiction"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...