11 ♥♥♥ Unforgetable

255 8 1
                                    

Hanne's pov

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. It's been half an hour simula nung matapos ang midnight dance and hindi pa siya bumabalik. Ano ba kasing nagawa ko? May nasabi ba akong hindi niya nagustuhan? Pag kakatanda ko, wala naman eh. Diba nga speechless ako sa mga sinabi niya? Tapos pinag-iisipan ko pa kung sasabihin ko na ba sakanyang hindi lang ito simpleng pag ka-gusto lang kasi mahal ko na nga siya diba?

"Pa,ma.. Pwede na po ba akong umalis? Inaantok na po kasi ako eh." Nagkunwari na lang ako na antok na, kahit hindi pa naman talaga. Syempre gusto ko na umalis dito at hanapin siya. Nakakainis naman yun oh. After naming sumayaw, iwan ba daw ako sa gitna ng dance hall?

"Oh sige bunso. Goodnight." Nakipag-beso na ako sakanilang lahat. Si kuya, wala dito dahil malamang sa alamang kasama pa niya yung babaeng sinasabi ni dale. Yun pa? Eh ubod ng pag ka-playboy yun. Speaking of playboy, wala na din dito sila kuya ace, kuya paulo at kuya lance. Asan na yung mga yun? Natulog na kaya? O baka naman nag hanap na naman ng mga babae. Bigla kong naisip na baka kasama nila si dale.

Dahil sa naisip kong yun, halos lakad takbo na ang ginawa ko palabas ng hall. Imbes na sumakay ako sa elevator para makapunta sa kwarto. Lumiko ako pa-kaliwa para lumabas ng hotel. Nag tanong ako sa front desk kung nakita nila si dale, kilala naman nila kami dito eh. And luckily, sabi nung babae sa front desk nakita daw niya si dale na lumabas ng hotel. Yun lang daw alam niya, umalis na ako agad doon at hinanap siya.

Hanap dito... Hanap doon... Hindi ko siya makita sa lahat ng restaurant na andito, konti lang naman ang tao dahil nga may pag ka-private tong lugar. Pang mga mayaman lang talaga. Kaya bakit hindi ko siya makita sa mga restau's, bars, stores na andito? Pati sa coffee shop na pinuntahan ko noon wala din siya dun. Siguro mag iisang oras na akong naghahanap dito.

Umupo ako sa malaking bato na nakita ko sa may gilid. Napagod na ako kakahanap sakanya. Siguro nasa hotel room niya na siya? Ang tanga ko naman. Bakit hindi ko siya pinuntahan dun kanina?

May mga malalaking bato pa sa harap ko. Hindi ko tuloy kita yung dagat. Pero okay lang, di naman yun ang gusto kong makita...Si dale ang gusto kong makita. Gusto ko siyang kausapin kahit nahihiya ako, gusto kong kumpirmahin yung iniisip ko ngayon. Ayokong mag assumed ng sobra. Ayokong masaktan! Masakit DAW kaya!

"Haaay! Bakit ba kasi umalis siya dun? Bakit siya bigla-bigla na lang nang iiwan? Kainis naman yun eh. Pasalamat siya mahal ko siya kahit nakakaloko na siya." Para akong bata na nag tatantrums dito habang nakaupo, sa totoo lang naluluha na ako, pinag lalaruan lang ba ako ni dale?

"Subukan niya akong pag laruan, malaman ko lang na joke lahat ng sinabi niya kanina. Hindi ko na siya mahal. Hmp!" Ang daling sabihin, mahirap gawin. Parang ganun naman kabilis diba? Tsaka hello? Ilang taon ko siyang nagustuhan tapos dahil lang doon, di ko na siya mahal? Di ako ganun kababaw.

"That's the last thing you would do, You, not loving me." Napatayo ako dahil sa gulat, may nagsasalita sa likod ng mga malalaking bato sa harap ko. Di ako nag kakamali, boses niya yun eh. 

Umikot ako sa kabila para makumpirma kung talagang siya nga. And there he is, sitting at the sand. He look at me and he tapped the sand next to him. It's like, pinapa-upo niya ako doon, so umupo naman ako. Huminga siya ng malalim and hindi ko alam kung bakit nakigaya ako.

"Why are you even thinking that im just toying you? Ganun ba tingin mo sa akin?" Napalunok ako ng sunod-sunod at napatikom ang bibig. So, narinig niya yung sinabi ko kanina? Ang tanga ko talaga. Pero okay na din yun. Atleast di na ako mag coconfess sakanya. Pero mas maganda pa din naman kasi kung sabihin ko diba? Para memorable? Kahit na i-reject niya ako. Okay lang, atleast masasabi ko diba?

"Kahit kailan, hindi pumasok sa isip ko na paglaruan ka. D'you know how much important you are to me?" Umiling lang ako habang nakatingin sa dagat. Alam kong nakatingin siya sa akin. Ramdam ko yun eh. 

A Million Reasons To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon