Hanne's pov
Wala kaming pasok ng 1 week, dahil sa typhoon na ibinalita kanina. Ang lakas nga ng ulan eh. Hindi pa humihinto, may kasama pang kulog. Buti dito sa subdivision namin, hindi nababaha. Pero yung sa ibang lugar, kawawa naman.
Kahapon pa nag simula ang ulan. Bigla ngang umulan ng malakas eh. Wala pa naman akong kasabay kahapon dahil umalis agad si Helga at may pupuntahan sila ni marco. Si kuya naman, tinakasan ako. Si dale? Hindi ko alam. Mukhang kasama din si kuya kahapon. Bahala silang dalawa. Medyo galit pa ako kay dale. Hindi man lang kasi tumawag o mag text. Ano? Ako pa ang mauunang gumawa ng move para maging okay kami? NO WAY!
Mahal ko na si dale pero ayoko namang ipahalata yun sakanya. Tsaka ayokong ibaba yung pride ko. Tsaka in the first place, siya naman ang may kasalanan at hindi ako eh.
At ako naman, nag-tamo nang kamalasan kagabi. Nasiraan kami ng sasakyan kaya naman inayos muna ni manong bimbo yung sasakyan. At dahil naawa naman ako sakanya at nababasa siya ng ulan habang inaayos yung makina. Lumabas ako at pinayungan siya.
Malakas din ang hangin kagabi kaya hindi maiiwasang mabasa ako. Pag dating namin dito sa bahay. Nag shower lang ako at natulog na. Gabing gabi na din kasi nung nakauwi kami. At ang sakit na ng ulo ko kaya naman K/O na ako kagabi.
Si helga, nasa bahay nila, nilalagnat, Paano naman kasi nag paulan sila ni marco kagabi. Pinagmayabang pa niya sa akin na nag habulan daw sila ni marco sa ulan, ang sweet daw ni marco. Oh ano tuloy napala niya?
At dahil sa paglalaro nila sa ulan nag kasakit tuloy ang bruha. Kaya tuloy hindi maka-punta dito. Ako din naman hindi nila hinahayaang lumabas. Si kuya naman na-stranded sa condo daw ng kaibigan niya. Kaibigan niyang babae, narinig ko kasi kanina yung girl na nag salita eh.
Pinag takpan ko na lang siya kila papa at mama na sa kaibigan niyang lalaki siya naka-stay ngayon. Kahit na halatang naiinis si papa dahil hindi tinupad ni kuya ang usapan na dapat dito siya uuwi dahil nga grounded siya. Pero wala ng nagawa si papa ng si mama na ang nakipag usap sa kanya.
Boring tuloy dito, si mama at papa lagi sa kwarto. Jusko po! Yung mga parents ko, parang teenagers lang!
Andami ko ng ginagawa dito sa bahay na kung anu-ano lang para di ako maboring. Hindi available ang internet dahil nga may bagyo. Kaya eto ako, inuulit ulit yung mga movies dito sa laptop ko.
"Bunso, dinner is ready."
"Po? Dinner na agad?" Nagulat naman ako, kasi kaninang after lunch lang ako nag simulang manood eh. Pangatlong movie ko pa lang to.
"Oo. 7pm na kaya bunso. Tara na at maaga tayo matulog ngayon."
Sumunod na lang ako kay mama papuntang kitchen. Kahit na ayokong kumain ng kanin ngayon. Kumain pa din ako kahit konti lang dahil magagalit lang sila mama at papa.
"Tumawag nga pala si tita mo olive sa akin kanina bunso. May sakit pala si Helga." Sabi ni mama sa akin ng matapos siyang kumain. Hindi mo maririnig si mama mag salita pag kumakain siya. She's always like that. It's as if, she respect the food alot.
"Opo ma. Tumawag nga po sa akin kanina. Lagnat lang naman po." Sabi ko na lang and wipe my mouth with a napkin.
"I just hope Helga will be okay tomorrow. Kung hindi pa siya okay bukas. Pupuntahan ko na lang and i'll take care of her hanggang sa gumaling siya." Nag aalalang sabi ni mama. Kaya love siya ni Helga eh dahil tinuturing talagang anak ni mama si helga.
"Wala pa naman si leo and olive ngayon. Nasa business transaction sila sa cebu." Sabi ni papa at tumayo na. He gave me a good night kiss. And also mama. Mag kukulong na naman sila sa kwarto nila.
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Roman pour Adolescents"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...