Hanne's pov
Natapos na ang 3 hours class namin at ngayon nga papunta na kami ng cafeteria. May 2hours vaccant kami ni helga. Samantalang si kuya may next subject pa at yung gwapo kong asawa(asaness lang ako eh no? Asawa agad?) andito sa tabi ko, at mamayang hapon pa ulit ang pasok. Since naglalakad na kaming tatlo at nadaan namin ang girls comfort room nag paiwan muna si helga. So kami na lang ni dale ngayon ang nag lalakad at papunta sa cafeteria. hala! kinikilig na naman ako. hihi! *^▁^*
"hanne, anong sayo?" Eh? Nandito na kami agad? shocks. Fini-feel ko pa ang SWSBS namin ih. Silently Walking Side By Side. yun ibig sabihin nun. Oh di niyo alam no? Syempre di niyo talaga alam yun, kasi nga pauso ko lang yun. Hahaha.
"Huy hanne, ano na?" ay asdfghk. Nakalimutan ko tinatanong nga pala ako ni dale.
"A-ako nalang oorder." nubayan! Nag stammer pa ko. Kahiya naman! Baka makahalata to. Well, alam naman niya dating crush ko siya eh pero bata pa kami noon. Kaya baka nakalimutan na din niya. Tsaka crush lang yun noon.
"No, ako na! Hanap ka na lang ng table natin. So anong gusto mo?"
IKAW. IKAW ANG GUSTO KO! haha. Gusto ko sana sabihin yan kaya lang wag na. Baka pagtawanan lang ako. Tsaka ano ang tinatanong niya hindi sino. Grabe yung mga mata niyang nakatingin sa akin. Nakaka-hypnotize. Lalo lang akong na-iinlove. Nakakalunod mga tingin niya. Haaay! Why so gwapo?
"hanne, ang tagal mo mag isip. ano na nga gusto mo?
"Ikaw."
"Ha? A-ako?" Ay sh*t. Ano ba naman yung nasabi ko. Imbes sa utak ko lang yun eh. Jusko naman hanne. Ang tanga mo talaga. Stupid me!
"I-i mean. A-ano ano ahm.." sh*t na bunganga to. Ano sasabihin ko? Waaah. Lupa kainin mo na ako! Tinignan ko siya, nakakunot na yung noo niya. Hanla! Hinihintay niya talaga sagot ko. Huhu.
"A-ahm, ano kasi, sabi ko I-ikaw na bahala mag order. Oo tama ikaw na bahala. Oo.. Yun nga yun. Yun dapat sasabihin ko. Hehe." Woooh. Para akong tanga sa harap niya. Thanks to myself! Galing ko gumawa ng palusot. Kahit nag mukha akong tanga!
"Ah... Akala ko kung ano na eh. Sige hanap ka na ng table natin. Order lang ako." ginulo niya muna buhok ko bago siya pumunta sa counter. Haay! Yun na naman yung sweet gesture niya. Alam niyo ba, yun yung ISA sa mga dahilan kung bakit ko siya naging minahal. Babaw no? Syempre 10yrs old pa lang ako nun eh. #^_^
Nakahanap na ko ng table namin, pang apatan yung pinili ko dahil meron pa si helga. Habang nakaupo, pinag mamasdan ko na naman siya. Kahit na nakatalikod siya sa direksyon ko, Ang gwapo niya pa din. Ano ba yan! Ilang beses ko na bang sinabi na gwapo siya? Eh kasi naman gwapo talaga siya! Period. No erase!
Hindi siya katulad ni james reid sa kagwapohan o ni Enrique Gil na swagger. Para siyang Daniel matsunaga pag ngumiti at Theo james kung mag seryoso. At Jamie Dornan pag tumitig.(Okay! Alam ko ang gulo ko na.) Pero kyaaah! Na-iimagine niyo na ba?
Biglang nag vibrate yung cellphone ko, ramdam ko yun. Since nasa bulsa lang naman siya ng uniform ko. Kinuha ko yung phone ko at nakita kong may nagtext.
Besty helga♛
Besty, hindi na ako makakasabay sa inyo ni kuya. Bigla akong niyaya ni marco babe eh. Ikaw na bahala sa palusot. Alam ko namang gusto mo ding mag solo kayo ni kuya, kaya you owe me one besty. Enjoy your date. Haha. mwaa "
If i know, sinadya nya na naman to. Lagi siyang ganyan. Gumagawa siya ng way para makapag solo kami ng kuya niya. And i love her way!! Hahaha. Syempre, masosolo ko si dale eh. Di ka ba naman sasaya nun? Duh! Dale yun oh. Choosy pa ako?
"Hanne, bakit ka ngingiti ngiti diyan? Sino yang katext mo? May boyfriend ka na ba ha? Ibreak mo yan ngayon na. O ibre-break ko pag mumukha niya." Dale my ♥. Why so basagulero? Hihi.
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Teen Fiction"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...