"Is there something between you and sir tiazon?" Gulat akong napatingin kay sabrina nang tanungin niya yun sa akin. Nag iwas din ako agad ng tingin ng ngumiti siya sa akin.
"Paano...paano mo naman nasabi?" I asked her while still painting. Sa harap lang ako nakatingin at itinuon ang mata ko sa pag paint ng isang malungkot na lugar.
"Eh kasi.. This past few days.. Nahahalata kong pag dito tayo sa subject niya, hindi ka mapakali, tapos bago tayo pumunta dito pumupunta tayo sa CR para mag re-touch ka, tapos napapangiti ka pag tinitignan mo siya habang nag lelecture siya sa harap tapos-"
She didn't finish her sentence because i cut her off.
"Wala yun okay? Walang something.." I glance at her kaya nakita ko ang pag smirk niya.
"Come on hanne. Paanong wala lang yun? Halatang halata naman eh. Kung tignan ka pa ni sir dale. Grabe lang! Nagtataka nga ako bahit hindi ka pa natutunaw ngayon eh." And then she laugh. Napasimangot na lang ako sakanya.
Tatlong araw na akong nakabalik ng school after many days of being absent.
This past few days.. Nagiging okay naman sa akin ang lahat not until makapasok kami sa classroom ni dale. Ilang araw na hindi ko siya papansinin. Kakausapin niya man ako about sa lecture lang. Ako ang unang unang aalis ng room pag nag papa-dismiss siya kaya hindi niya ako nasosolo para makapag usap.
Oo na! Ako na ang coward! Aminado naman ako dyan eh. Gusto ko man makipag usap sakanya. Hindi ko kaya. My tounge got tied papalapit palang siya sa akin. Paano pa kaya pag malapit na?
"Anong tinitignan? Hindi niya ako tinitignan okay?" Alam ko yan. Dahil ako ang tumitingin sakanya paminsan minsan. Hindi ko nga lang pinapatagal ang tingin ko para hindi niya ako mahuli. Hindi ko din alam sa sarili ko eh dahil parang may sariling utak yung mata ko na bigla bigla na lang titingin sakanya.
"Really? Hindi kasi yun ang nakikita ko ngayon eh." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya ay inginuso sa akin si dale. Sa pag lingon ko parang lumundag yung puso ko nang mag tama ang tingin namin. Nakatingin siya sa akin, no, nakatitig ata!
"Sa totoo lang, simula nang mag umpisa tayong mag paint. Dun na siya nakatitig sayo. Akalain mo yun? 1hour and a half na siyang nakatitig sayo."
Parang natuwa ang isang parte ng puso ko sa narinig ko. Totoo nga kaya na kanina pa niya ako tinitignan? Aahhh. Ewan ko na talaga!
Kaninang umaga, naiinis ako dahil naalala ko na lang bigla yung picture ni dale kasama ang isang babae sa plane. Yung pinakitang picture sa akin nung babae sa shop na pag mamay ari pala ni ate jean. Bigla biglang papasok sa utak ko ang image na yun. Kaya naman, naiinis ako sakanya ngayon. Imbes na ito na nag hahanap na lang ako ng timing para makausap siya nang solo pero hindi ako makadiskarte eh. Minsa pag pupunta ako dito, may mga tao sa loob na kasama niya o kaya may class siya o kaya wala siya o kaya naduduwag ako. Ahhh! Badtrip!
Inirapan ko na lang siya para hindi niya mahalatang natutuwa ako sa pag titig niya.
"Yan ba ang walang something? Haay. Pa-showbiz pa eh." Sinamaan ko ng tingin si sab at inirapan siya. Tumawa lang naman siya sa ginawa ko. Kaloka tong babaeng to.
Nag patuloy na lang ako sa pag paint. Aware na ako na hanggang sa matapos ko ang ginagawa ko ay nakatingin pa din siya sa akin. Pansin ko yun at tingin ko hindi niya pansin na napansin kong nakatingin pa din siya hanggang ngayon.
May natitira pang kaming ilang minuto bago mag dismissal. Alphabetically kaming tatawagin ni SIR DALE para pumunta sa harap at ipakita sa mga classmate namin at sakanya ang paintings namin. Tapos ipapaliwanag mo kung ano yung story nung paintings.
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Teen Fiction"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...