Hanne 's pov
Kinaumagahan....
Sabay kami ni kuya na pumasok ngayon. Dahil baka may titigan na naman daw ako. Siraulo talaga!
"Kuya, sino na nga kasi si white rose mo? Sabihin mo na." Pangungulit ko sakanya. Actually, kanina ko pa siya kinukulit sa kusina palang. Wala na kasi si mama at papa kaninang umaga. 8am na kasi kaninang nag umagahan kami ni kuya eh.
"Bunso, ang kulit mo. Wala lang yun." Sabi niya pero di ako naniniwala sakanya. Napa-roll eyes na lang ako sa ilang beses niyang pag deny.
"Pwede mo namang sabihing secret kuya. Idedeny mo pa kasing wala yun. Duh!" At cross arms na lang ako. Tumingin ako sa bintana at sakto namang nag stop kami dahil sa traffic light.
Napaayos ako ng upo ng may makita akong familiar na lalaking nakatayo sa labas ng store. Nakatalikod ito pero hindi ako pwedeng mag kamali, siya yun eh. Si dale yun!
Umandar na yung sasakyan ni kuya kaya nilingon ko pa si dale. Nakita kong may kasama siyang babae. Pinag buksan niya ito ng pinto ng kotse. Yun lang nakita ko pero iba yung epekto sa akin nun. Parang may kumurot sa puso ko, hindi naman sana ako mag seselos. Pero nakita ko kasing ngumiti si dale dun sa babae.
Hindi siya ngumingiti sa kahit na sino. Maliban sa akin, sa pamilya niya, sa malalapit niyang kaibigan. Hindi nga niya ngini-ngitian ang mga nagiging babae niya eh. Alam ko naman, playboy si dale. Pero alam kong wala lang yun sakanya. Kaya nga lagi akong nag seselos nun, pero iba tong selos na to. Gagawin ko na naman ba yung ginagawa ko dati pag nag seselos ako sakanya? Yung hindi mamamansin? Hindi siya kakausapin? Actually, lahat naman nadadamay pag ginagawa ko yun eh. And nakakapagtaka din kasi ilang buwan nang di ko siya nakitang may kasamang babae. Ngayon lang ulit! Yun na nga lang ang isa sa mga signs ko na magiging kami na ni dale after my debut pero hindi pala.
"We're here. Samahan mo muna ako sa tambayan. Andun sila lance." Tumango lang ako kay kuya. Tinaasan niya ako ng kilay kaya ngumiti lang ako ng konti sa kanya. Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Ganito na kasi ang nangyayari pag nag seselos ako. Inakbayan na lang ako ni kuya at sabay kaming nag lakad papunta sa tambayan nila.
Kung nasa tama akong wisyo, siguro kanina ko pa iniirapan tong mga babaeng akala mo kung sinong magaganda na nag papa-cute sa kuya ko. Ang papangit naman nila! Pag binura ko kaya yang mga make-up na tumatakip sa pag mumukha nilang hindi makinis, ano kaya gagawin nila sa akin?
Malayo pa lang kami, pero nakita ko na sila kuya lance, kuya paulo, kuya ace at ewan ko kung sino na yung iba. Kilala ko naman yung iba, nakalimutan ko lang pangalan nila. Pero alam ko mga mukha nila. Mga classmate sila nila kuya alex sa ibang subject..
Si kuya lance, kuya paulo at kuya ace ay ang tatlong matatalik na kaibigan ni kuya alex at dale. Silang lima talaga ang mga mag babarkada. Pero yung iba mga kaibigan din nila. Hindi nga lang ganun ka-close masyado tulad ng lima. Dahil ngayon lang naman nila naging kaibigan yang mga yan. Hindi katulad ng lima na simula pag ka bata pa mag kakasama.
"Yo hanne! Kamusta ka na baby girl?" Hila sa akin ni kuya paulo. Sabay yakap ng mahigpit.
"I'm fine." Yun lang sabi ko. Kumalas siya ng yakap sa akin at tinignan ako ng parang dalawa ang ulo ko. I just shrug it off. Nagtaka to malamang. Kasi nga, makulit ako eh. Sasabayan ko siya pag ganyang energetic siya. Pero wala ako sa mood mag saya eh.
Lumapit ako kay kuya lance na tumayo sa kinauupuan niya, bineso ko siya. Ngumiti siya sa akin at itinuro si kuya ace na may kalandiang babae. Nakaupo kasi yung babae sa lap niya kaya di niya ako makita. Tinanguan lang ako ni kuya lance na parang binibigyan niya ako ng 'go signal' para gawin yung lagi kong ginagawa kay kuya ace pag may nakikita kaming kalandian niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/24406254-288-k308692.jpg)
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Novela Juvenil"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...