"Tignan mo nga naman. Andito ngayon ang mga ali. Kahit ilang beses kaming nag hamon sainyo ay hindi niyo kami pinag bigyan. Kung alam ko lang na kailangan ko pang kunin ang babaeng to. Ginawa ko na sana noon pa." Pinikit ko ang mata ko sa pag tawa ni aslan. Napakasama niya!
"Pakawalan mo ang kapatid ko aslan. At pag bibigyan ka namin sa gusto mo." Tumingin ako kay kuya alex. Kitang kita ko sa mukha niya ang galit at pag aalala. Sa sobrang over protective niya sa akin sa lahat ng bagay. Alam kong sukdulan hanggang langit ang galit niya ngayon sa lalaking to. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong itsura ko ngayon. Pero alam kong hindi maaayos dahil natatakpan na ng magulo kong buhok ang mukha ko. Nakatali ang dalawa kong kamay sa likuran ko at ganun din ang bewang at paa ko.
"Pag bibigyan? Nagpapatawa ka talaga alexander." At tumawa na naman si aslan kasama ang mga kagrupo niya.
"Wala na akong pakialam tungkol doon. Ang gusto ko lang ay ang gumanti. Ipinahiya ako ni dale sa gang world. Inagawa niya ang posisyon ko sa mundo natin at hindi pa siya nakuntento pati girlfriend ko inagaw pa niya." This time, si dale naman ang natawa sa sinabi niya.
"Nagpapapatawa ka talaga aslan." He mock aslan. And aslan just huff at him.
"Kahit kailan wala akong inaagaw sayo. Alam mong tradisyon na sa mundo natin ang mag laban laban bago matapos ang isang taon para malaman kung sino ang bagong gang na mamumuno at magiging top. Nagkataon lang na ipinanganak na ang taong tatalo sayo kaya nakuha ko ang dating posisyon mo." Hindi ako sanay na puro tagalog ang pananalita niya. Noon pa man, pag ganyang madami siyang sinasabi hindi mawawala ang pag english niya.
"At sa girlfriend mo? Sino? Yan? Si danna?" Dale just chuckled and step forward.
"Kahit nag hubad na yan sa harapan ko nung isang linggo, hindi ko pa din siya pinatulan. Sorry dude. But I must say my girl is way hotter than yours." Kahit na nasa panganib na ang buhay naming lahat. Nakuha pa talaga niyang pakiligin ako. Shit ka dale! Bakit ba ang sweet mo?
"Ang dami niyong satsat. Bakit hindi niyo patunayan? Maglaban kayo. Kamao sa kamao. Walang baril o kahit anong armas. Doon niyo patunayan kung sino ang karapat dapat sa top position." Cool na sabi ni greg. Nasa isang gilid lang siya at nakasandal sa pader habang nakapamulsa.
Walang nag salita. Masamang tinginan lang ang nangyari. Mamaya maya, itinapon ni dale ang baril niya at nasalo yun ni greg. Inilagay yun ni greg sa isang kwarto. Ganun din ang ginawa ni aslan.
"Kayong lahat. Ipunta niyo sa loob lahat ng mga baril niyo. Walang dayaan dito." Nag si-pasukan sa loob ng kwarto ang bawat isa at mamaya maya lalabas din na wala ng dalang baril.
Sinarado ni greg ang pintuan at nag pakapkap din kay a8. Nang masiguradong wala siyang baril. Tumingin siya sa amin and then sa akin.
"Siguro naman pwede na nating kalagan ang babae. Hindi naman siya damay di-"
"HINDI!" Sigaw ni aslan kay greg.
"Pag ako nanalo, kailangab mong ibalik sa akin ang posisyon at mga simbolo. Kukunin ko ang babaeng to at gagawin ko lahat sakanya ang mga gusto kong gawin. Pero pag ikaw ang nanalo, makakaalis kayo dito ng buhay." Matagal siyang tinignan ni dale ng masama at tumango na din kalaunan.
Kinabahan ako ng pumwesto na ang dalawa. Tinignan ko si kuya at tumango lang naman siya sa akin. Nginitian niya ako na parang sinasabing, huwag akong mag alala at makakauwi na din kami mamaya.
Nag umpisa nang mag suntukan si dale at aslan. Si dale ang unang nakasuntok. Babawi sana si aslan pero nakailag si dale bago niya ulit suntukin sa mukha si aslan. Humarap si aslan sakanya na may dugo na sa labi at sinuntok si dale sa mukha. Sunod sunod yun na ginawa ni aslan pero nakagawa ng paraan di dale para makasuntok pabalik. Tinulak niya ng malakas si aslan kaya natigil ang pag suntok sakanya.
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Novela Juvenil"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...