Isang linggo na akong nakabalik ng manila at pasukan na naman ngayon. Talagang pinush ko yung pag spend ko ng vacation doon. Nag enjoy naman ako kahit na talagang namimiss ko sila mama at papa, sila kuya at ate jean at iba pa naming kaibigan. Walang mga nag papainit ng ulo ko. Infairness, ilang linggo din akong hindi nagalit.I did my everyday routine in front of the mirror at nung ma-satisfied ako sa itsura ko. Lumabas na ako ng room and eat breakfast. Walang mag hahatid sa akin sa school. Di bale, mag taxi na lang ako. Isasara ko na sana yung gate ng may nakita na naman akong white rose.
The day...♥
Sa ilang buwan kong nasa cebu. Hindi ko alam na patuloy palang may nag bibigay sa bahay ng white rose. Kung noon hindi ko maintindihan yung 65 days sa white rose na binigay nung bata, ngayon naman alam ko na. Countdown yun. Ewan ko kung anong countdown. Basta alam ko count down. Una kong natanggap yung 65 days. Tapos nung pag uwi ko galing cebu 64 days hanggang sa 8 days ang naka-stock sa room ko. Tapos kinaumagahan pag gising ko may binagay si mama sa akin. Ganun din kinabukasan meron na naman at araw-araw yun. Ngayon naman ito na ang nakalagay. Ano ba ibig sabihin nito? May hinala ako kung sino. Si dale to! Pinipilit ko sa sarili ko na sana si dale. Sana siya! Pero naiinis ako sa sarili ko dahil kahit anong pilit kong tanggalin sa isipan ko si dale kahit saglit lang ay hindi ko magawa.
Nang makarating ako sa school, dumeretso muna ako sa admin para kunin ang schedule ko, nag madali akong lumabas dahil nakita kong si Mr. Martinez ang teacher ko this period. Hindi yun tumatanggap ng late comers. May 10minutes pa naman ako pero may kalayuan ang building namin sa admin office.
Patakbo akong umakyat sa 3rd floor ng may nabangga akong babae at pareho kaming napaupo. Shit naman! Wala na akong time sa away. Akala ko may away na naman pero mukhang wala naman pala. Inabutan ako nang babae ng kamay niya at hinila niya ako patayo. Mukhang familiar siya sa akin. Saan ko nga ba siya nakita? Mall? Coffee shop? Salon? Bake shop? Flower shop ni mama? O sa daan daan lang? Ay ewan ko.
"Sorry ha. Ma le-late na kasi ako eh." Nag mamadali kong sabi at pinulot yung mga ibang papel na nakakalat pag katapos kong mapulot yun ay nag paalam na ako sakanya.
-
Buti na lang wala pa si Mr. Martinez kanina kung hindi lagot na. I sighed nung luch na. Uwi kaya ako? Wala na akong kasabay sa cafeteria. Kainis! Graduate na sila eh so ibig sabihin loner na ako.
"Hi.." May tumabing babae sa akin at ngumiti. Siya yung kaninang nabunggo ko.
"Hindi na ako nakapag introduce formally kasi may class ka pang hinahabol kanina." Napangiti ako sa pag ngiti niya. Nakakatomboy naman and babaeng to.
"Ako nga pala si Sabrina Dela Paz. Transferee ako dito." Napatango lang ako. Sinabi niyang taga cebu sila,mag tatanong na sana ako ng may biglang umupo sa tabi ko.
"Sab, pa share ng table." Nilingon ko yung katabi ko at nagulat ako ng makilala siya. Natatandaan ko na pero di ko maalala pangalan niya.
"Wow. Andito ka pala?" Manghang tanong niya. So? Kung andito ako? Abmormal din talaga tong lalaking to.
Kwinento namin ni sabrina sakanya yung nagyari kanina at si sabian na din ang nag kwento kay sab kung paano ako naging witness ng 'kahihiyan' niya. Si sabrina naman parang nahihiya na sa akin. Ang cute niya! Nandito na pala sila sa manila last month pa dahil lumipat daw ng trabaho yung dad at mom nila sa isang company. Si sabian ay business Ad ang course niya. Si sabrina naman ay kapareho ko na architecture. Ngayon alam ko na name nung guy. Hindi pala sila mag bestfriend. Mag kapatid pala sila. Twin pa! How cool is that?
Hindi tulad ni sabian na madaldal, si sabrina more on tahimik siya at mahiyain. Pero minsan nakikisingit din sa kwento ng kambal niya. Hanggang sa matapos kaming mag lunch. Dumaan muna kami ni sabrina sa powder room at nag ayos ng sarili bago pumuntang next subject.
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Подростковая литература"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...