Hanne's pov
Alam mo yung scenario na gusto mo bumagal yung oras kasi gusto mo mag tagal pa bago mag uwian? Pero ang bilis tumakbo ng oras ngayon eh.. Tapos yung scenario na gusto mo nang matapos yung class mo at mag uwian na pero ang bagal ng oras? Na gets niyo ba ako?
Hindi na ako mapakali dito sa upuan ko. Uwian na at parang ayoko pang tumayo. Si Helga tumayo na at nameywang sa harap ko.
"Ano? Dito ka na lang matulog bes gusto mo?" ?Inirapan ko lang siya at padabog nang tumayo. Deretso lang ako sa pag lalakad. At pinulupot niya yung kamay niya sa braso ko.
"Thank you bes ah. Your the best talaga." At tumawa siya. Pektusan ko kaya? Magalit kaya to sa akin? Umiling na lang ako dahil alam kong maggalit talaga siya. Gusto niya siya lang ang sadista.
Nakarating na kami sa bahay bago mag 5. Nag shower muna ako, mabilis lang naman yun. Pag labas ko, nag shower na din si Helga. Sabagay, 1st monthsary daw nila ni marco ngayon kaya pag bibigyan ko siya.
Ang usapan namin. Kailangan, hindi mapansin ni dale ang oras nang pag uwi niya para matagal tagal silang mag sasama ni marco. Kahit nga daw hanggang 12am lang. So, sa bahay na talaga nila ako matutulog. Nag suot lang ako ng pants at simpleng shirt tsaka nag doll shoe. Nag ayos ako ng bongga. Pero not to the point na nag make up pa ako ah. Nakakahiya naman. Baka isipin ni dale nag papaganda ako sa kanya which is true naman.
"Bunso, may lalaking nag hahanap sainyo sa baba. Andyan ba si Helga?" Narinig kong tanong ni mama sa may pintuan. Tumayo ako at kinuha yung gamit ko para pag buksan siya ng pinto. Si Helga, nag papalit na ng damit. Kaya sa baba ko na lang siya hihintayin. Mag papaalam muna ako kay mama.
"Ma, kila Helga po ako matutulog. Partner kami ni dale sa reporting eh." Bungad ko sakanya pag ka-bukas ko ng pinto. Humalik ako sa pisngi niya at pinulupot yung kamay ko sa braso niya. Sabay kaming nag lakad papunta sa hagdan.
"Pag kila dale ka matutulog kahit di ka na mag paalam bunso. Papayag naman ako eh. And besides, dale called me after lunch. Pinaalam ka na niya." Sabi niya. Nang pababa na kami sa hagdan, pansin kong naka-long gown si mama.
"Oo nga pala ma. Kaninang pag dating namin ni Helga dito wala ka pa. Tapos ngayon naka-long gown ka na. Saan po lakad mo?" Nakita ko si marco na tumayo sa pag kakaupo niya sa sala namin. Ngumiti siya sa akin at tumango lang ako sakanya.
"May party kaming pupuntahan ng papa mo. Kasama namin ang tita olive at tito leo mo. I don't know, kung makakauwi pa kami dahil nag pakuha ang papa mo ng extra clothes eh." If i know, gusto lang na naman masolo ni papa si mama, same as tito leo and tita olive, ang parents nila dale at helga. Akala mo nga teenagers mga magulang namin.
"I'll leave you here na. Sasakay pa kami ng tita olive mo sa plane. Sa baguio pa kasi yun." At hinalikan ako ni mama sa pisngi.
"Woo. Baguio. Malamig dun ma."Sabi ko sabay tawa. Pinalo niya ako ng pabiro sa braso.
"Ikaw talaga bunso ha. Your still our baby. So don't think about something greeny. Take care here. I love you." I hugged mama ang kissed her both cheeks.
"I love you too. Tell papa i love him. And a basket of strawberries please." Sabi ko and i made my puppy dog eye.
"Okay sige. Strawberry it is. Alis na ako." At nag lakad na siya palabas ng pinto. Bago pa niya isara yung pinto. May sinabi siyang ikinatawa ni marco.
"And tell kuya that i love him. Wag siyang mag papawis and don't forget his vitamins. Huwag niya muna akong bigyan ng apo dahil baby ko pa din siya. Okay? Bye bunso. And bye marco." And she close the door. Natawa na din ako kay mama. Feeling ko nga, mas favorite niya si kuya. Pag si kuya andito. Maiinis na naman yun dahil bine-baby siya ni mama.
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Ficção Adolescente"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...