Hanne's pov
"Besty, tama na nga yan!" Narinig kong suway ni helga sa akin pero di ko siya pinansin. Hindi naman na ako galit sakanya ngayon pero naiinis pa din. Hapon na ngayon at nag memeryenda kami dito sa garden. Late na ako nagising kanina. Actually, kaming lahat late na nagising kanina. Pero kami nung fanny ang pinakahuling nagising.
"Ano ba yan besty. Tama na nga! Sayang naman yung niluto kong lasagna sa ginagawa mo eh." Inagaw ni helga sa akin yung kutsara't tinidor na hawak ko. Kaya napatingin ako sakanya ng masama.
"Akin nga yan! Kitang kumakain pa yung tao eh. Tsk!" Sabay hablot kay helga ang kutsara't tinidor. At nag patuloy sa ginagawa ko.
"Osige! Kumain ka besty ha? Pero best advice ko sayo. Tignan mo muna yung kakainin mo." Sabi ni helga sakin habang nakatingin sa plato ko na tila nandidiri na.
Napatingin naman ako sa plato ko at nabitawan agad yung kutsara't tinidor na inagaw ko kay helga.
"Luhh! What happened to my food?" Mangiyak ngiyak na sabi ko. Favorite ko kasi lasagna ni helga eh. Ang sarap niyang mag luto and it's because my bestfriend sensed me na may tampo ako sakanya kaya pinag luto niya ako. Pero yung lasagna ko, bakit ganito na nangyari? Para na siyang nginuya at iniluwa ulit. As in yuck na talaga!
"Minurder mo lang naman sila hanne. Hahaha." Tawa ni marco. Inirapan ko na lang siya. Murder daw! Siya kaya ang pag buntunan ko ng inis ko sa nakikita ko ngayon sa pool area. Letche eh!
"Kyaaaaaaaaah! Stop dale!" Narinig na naman naming sigaw nung fanny daw. Bagay sakanya yung pangalan niya. She's fanny!!!
Akalain mong dito pala natulog yan at take note! TAKE NOTE, sa kwarto lang naman po siya ng BOYFRIEND KO natulog. Shet na mga yan! Kaya pala... kaya pala hindi nag text sa akin. Tapos eto naglalandian pa sila sa pool ng bahay nila helga.
Kanina pa ako naiinis sa nakikita ko kaya naman inis na inis ako ngayon. Di ako pinapansin ni dale at pag nag tatama ang mga tingin namin sasama ang tingin niya sa akin samantalang pag dun na sa babaeng yun biglang ngingiti tapos mag tatawanan pa sila. Waaaaaah! Leshe sila! Nakakainiiiiiiiiiissssssss!!!!!!
Lumabas ako sa kwarto ni helga kaninang umaga ng makasabay ko sa pag labas yung fanny. Inayos niya pa yung buhok niyang gulo gulo at ngumiti sa akin sabay alis sa pintong nilabasan niya. Pinto ng kwarto ni dale!
Mga packing tape talaga sila. Lalo na yang dale na yan. Akala mo wala ako dito oh! Kuhh.. Makita lang niyang dale na yan. Di ko na siya papansinin. Tsk.
Pag katapos kong makapag desisyon na hindi siya ibrebreak. At hindi mag papaapekto sa mga sinabi ni kuya ace kagabi. Tapos ganyan gagawin niya sa akin? Nakakainis talaga siya!
And speaking of kuya ace, hindi ko alam kung clone o doppleganger lang ni kuya ace yung kausap ko kaninang madaling araw eh. Kasi kaninang nakita niya ako, parang wala lang. Pero iisipin ko na sana na wala lang yun, kaya lang minsan nahuhuli ko si kuya ace na titingin sa akin at ngingiti ng konti. May mga kahulugan yung tingin at ngiti niya sa akin eh. Pero dinedma ko na lang, may mga papansin kasi sa may pool area kaya nawawala sa isip ko yung mga sinabi ni kuya ace.
"Hahahahahaha." Narinig kong tawa ni dale. At dahil sa tawa niyang yun biglang nawala yung inis ko na parang bula.
Nawala yung inis ko dahil napalitan na ng inggit. Oo aaminin ko kanina pa ako nag seselos kaya ako naiinis sakanila. Pero this time, di na ako naiinis kasi naiinggit na ako. Teka nga! Inulit ko lang naman eh. Bayan! Nagugulo na ang utak ko sa mga nakikita ko eh. Masyadong masakit sa mata.
Nakakainggit yung fanny na yun dahil napapatawa niya ng ganyan si dale. Ako? Never ko pa ata siyang napatawa ng ganyan. Ganyan ba siya pag mag kasama kami? Masaya kaya siya? Ganyan ba siya tumawa? Ewan ko. Siguro nga minahal talaga ni dale yung fanny noon. Nag mahalan sila ng sagad! Pwe!
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Teen Fiction"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...