Hanne's pov
Hindi ako makatulog dahil sa dalawang dahilan. Una, dahil kay dale. Dahil di ko lubos maisip na kasama nila kanina yung ex niya at dito pa ata natulog. Bakit siya ganun sa ex niya kanina? Minahal niya ba yun? Sinabihan niya pa ng i missed you too yung babae. Siguro mahal na mahal ni dale yun noon. Ayy ewan ko!
Galit ako sakanila ni helga. Kasi parang pinag kaisahan nila ako. Nag sinungaling nga kaya sila sa akin? Pero hindi eh. Kilala ko si helga. Nahahalata ko pag nag iimbento lang siya ng kwento. At yung kwentong sinabi niya sa akin about sa kuya niya. Hindi ko nakita o nahalata na imbento lang yun. Malakas pakiramdam ko na hindi, pero bakit? Yun ang tanong. At ang isa pang tanong, sino ba talaga yung fans na yun sa buhay ng boyfriend at bestfriend ko? Gulong gulo na ako ngayong gabi. Naiinis na talaga ako.
Yung usapan namin na mag tatabi kami matulog sa secret hide out nila. WALA! Hindi nangyari. Drawing na dale yan. Ang sama ng loob ko sakanya. Hinihintay ko yung text niya pero wala. Sinabi ko man sa sarili ko na hindi na ako tutuloy sa usapan namin. Pero syempre sinabi ko lang yun kanina sa isip ko dahil nga galit ako. Dala lang ng galit kaya yun ang naisip ko kanina. Pero umasa pa rin naman ako. Nag hintay ako, pero wala.
Pangalawa, yung kay emil. My oh so dear emil. Ang pinakamamahal kong kaibigan na lalaki. Naaawa ako sakanya ngayon. Si emil ay isang bakla. Pero hindi naman gaanong bakla. Kasi pinipilit niyang huwag maging bakla. Nakilala ko si emil nung freshmen ako sa college. Nakilala ko siya nung entrance exam.
Hindi kami sabay ni helga noon dahil late siya nag exam eh. Nakatambay ako noon sa may malaking puno sa likod ng archi department. Nakita ko siyang umupo sa isa sa mga benches at umiiyak.
Naawa ako sakanya kaya nilapitan ko. Nung una, tinataboy niya ako pero sabi ko sakanya. Pwede niya kong sabihan ng problema at baka makatulong ako. Nagulat pa ako noon kasi niyakap niya ako at biglang umiyak.
Sinabi niyang bakla siya. At hindi pwedeng malaman ng magulang niya. Nung araw daw na yun, ang alam niya siya ang mamimili ng course niya pero yung daddy niya pala. Gusto niya ng architecture pero ang sabi ng tatay niya law daw ang kunin niya.
Nag open pa siya ng mga problema niya sa akin. Hindi daw siya mahal ng magulang niya. Laging yung kuya niya daw na lawyer ang favorite. Out of place lang nga daw siya sa pamilya nila eh. Kaya naman ginagawa niya lahat ng gusto ng magulang niya para kahit papano daw mapansin at magustuhan naman siya ng pamilya niya. Pero mukhang napuno na siya. Nalaman na din kasi ng parents niya ang pagiging bi-sexual niya kaya nag away sila ng daddy niyavat nag layas siya.
"Lord, kayo na po bahala kay emil. Huwag niyo po siyang papabayaan ha?" Pinag dadasal ko talaga ang kaibigan ko.
Ilang taon pa lang kaming mag kaibigan ni emil pero parang ang tagal na naming magkakilala. Siya tumutulong sa akin pag may mga plates akong kailangan tapusin at kailangang ipast na project. Kung nag archi din sana siya. Siguro siya ang pinaka-magaling sa batch namin.
Mabait na tao si emil. Pag kaming dalawa ang magkasama. Pinapakita niya kung sino siya. Kaya nga mahal na mahal ko yung baklang yun eh. Mabait, matalino, magalang at lahat lahat na ng magandang katangian.
Nag pop ulit yung laptop ko at nakita kong si emil ang tumatawag sa skype. Sinagot ko to agad at nag usap na naman kami. Mukha talaga siya stress na stress. Kawawa naman ang kaibigan kong bakla. Sana lang matapos na ang lahat ng problema niya. Andito lang ako palagi para sakanya. Kaibigan ko siya eh kaya tutulungan ko siya.
Matapos naming mag usap ni emil. Sinubukan kong matulog pero hindi pa din ako makatulog kaya naman bumaba na ako para uminom gatas. Pumunta ako sa garden para mag pahangin baka sakaling dalawin ako ng antok.
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Teen Fiction"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...