(Medyo SPG!!)
Kahit anong pag susungit ko. Lapit pa din ng lapit si dale. Kaya ayan. Bumigay na ako. Nawala na yung pagtataray ko sakanya.
May problema na nga kami, mag iinarte pa ba ako? Syempre hindi na.
"Ayoko na. Dinadaya niyo ako!" Sabi ko at tinapon yung cards sa harap ko.
Nakapalibot kaming lahat sa mesa ng sala. Naka-indian sit kami at lahat nag lalaro nung pepito daw? Naku. Ewan ko sakanila. Hindi ko alam ang larong to.
"Walang nandadaya sayo hanne. Sadyang di ka lang marunong." Tawa ni marco. Inungusan ko lang siya.
"hoy marco, hindi ko pa nakakalimutan yung issue sayo ha. Gusto mo ituloy ko!?" Pagalit kong sabi sakanya.
"chill lang hanne. Okay naman na eh. Di na yan aalis." Inirapan ko lang si a6 sa sinabi niya.
Nagpaalam na lang ako kay dale at lalabas muna. Gusto ko mag pahangin. Mainit pa dugo ko kay marco. Iniisip ko si helga. Medyo na-guilty ako. Iniwan ko siya sa manila. Buntis pa naman siya.
Umupo ako sa may terrace ng bahay at tumingin sa napakagandang nasa harap ko, ang dagat. Pumikit ako at huminga ng malalim.
"Alam kong galit ka pa sa akin. Ako din naman. Kaya di kita masisisi." Tinignan ko ng masama si marco ng bigla bigla siyang sumusulpot sa likod ko.
"Wow ha. So galit ka rin sa akin?" Tumawa lang ako ng nakakalolo sakanya.
Lumapit siya sa akin at sumimangot. Tumabi siya sa upuan at yumuko.
"Hindi ako sayo galit. I mean, galit din ako sa sarili ko. Ang tanga ko hanne." Madrama niyang sabi. Umiling lang ako at tinignan ko siya.
"Buti alam mo. Gago!" Hindi naman halatang galit pa talaga ako sakanya diba?
"Gusto ko lang mag sabi ng sorry. Dahil nasaktan ko si helga. Hindi ko naman talaga ginusto. May iba lang talaga akong plano. Pero thank you din kasi dahil sayo. Okay na ang lahat sa amin ni hell." Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"What do you mean?" Nakakunot noong tanong ko.
"Kinausap ko na ang parents niya. Natapos na ang parusa ko kay dale. Naayos ko na ang lahat. Okay na kaming dalawa." Tumingin siya sa dagat at huminga ng malalim habang nakangiti.
"Hindi ko pinag sisihan na nabuntis ko kaibigan mo." Sinapok ko siya ng sabihin niya yun.
"Aray naman hanne. Alam mo, nahahawa ka na kay helga. Sadista niyong dalawa." sabi niya at hinimas yung ulo niyang sinapok ko.
"So ano ng plano mo sa kaibigan ko at sa baby niyo?" Medyo okay na yung mood ko ngayon. As long as okay naman na pala lahat kay helga. Oh di okay na din sa akin.
"Magpapakasal kami when all the problems are fine. Gusto din kasi namin na kumpleto at masaya ang lahat pag nag pakasal na kami. Alam mo na." Nakangiti niyang sabi. Tumango tango lang ako.
Tahimik lang kaming magkatabi. When marco is around, kahit di kami mag usap. Wala akong nararamdaman na awkwardness. Sanay na ako sakanya eh.
"Thank you again hanne. Ikaw yung naging alarm ko nung time na yun. Siguro kung di mo ko sinapak, wala. Aalis pa din ako." Napangiti ako sa sarili ko. At dahil sa pagiging honest ni marco ngayon.
Nakwento niya sa akin kung ano ang mga nangyaru nung panahong ikinuling lang ako ni kuya sa bahay. Kung paano nagalit si tito leo sakanya. At kung paano natuwa si tita olivia at abg parents niya. Mukhang okay na nga talaga ang lahat.
Nag paalam na siya sa akin at babalikan lang daw niya ang mga boys. Tumango nalang ako at tumingin uli sa dagat.
Akala ko, tuluyan na siyang umalis pero may sinabi pa siya sa akin habang nasa pinto na siya papunta sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Roman pour Adolescents"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...