Hanne's pov
Malapit na mag christmas vacation. Kaya naman nalulungkot na ako. Diba dapat masaya ako kasi malapit na mag christmas? Tapos wala ng pasok. No stress sa pag aaral. Wala ng problena sa school. Pero kasi......
"Alam mo ang ganda ng araw ngayon besty tapos nakabusangot ka. Nakakawalang ganda yan!" Sabi ni helga habang nakatambay kami dito sa benches ng school.
Oo nga pala yung nangyari nung nakaraang linggo. Nakatikim lang naman siya ng ilang batok sa akin dahil sa mga pinagsasabi niya. Jusko po! Akala ko nun mahuhuli na kami. Buti na lang hindi pa. Kainis kasi siya eh. Kailangang sabihin pa yun? Tsk.
And kuya ace is there. Hindi na ako komportable pag kasama si kuya ace sa amin. Baka kasi anytime, sabihin niya kila kuya harap harapan. I don't know what will i gonna do pag nangyari yun.
"Naman eh. Bakit kasi every christmas and new year kailangan sa US pa kayo mag celebrate? Hindi ba pwedeng this year dito naman kayo besty?" Pag pupumilit ko sa kanya.
Nextweek kasi christmas vacation na. At pag christmas vacation na, pupunta na silang US.
"Hindi pwede besty. Alam mo naman na nandoon sila lolo at lola eh. Nakasanayan na din namin." Napabitaw tuloy ako sa kanya.
Wala na.. Wala ng pag asa. Hindi ko makakasama ang boyfriend ko sa christmas at new year.First Christmas and new year sana namin together eh.
"Bakit ka nakasimangot love?" Di ko na kailangan tignan pa kung sino yung nag salita dahil iisa lang naman tumatawag niyan sa akin. Si dale lang... Idagdag mo pa yung hart na sinasabi nila kahapon. Medyo korny pero effect lang. Endearment din ata namin yun eh. Ay ewan!
Di ko siya pinansin dahil alam kong kahit pilitin ko pa siya di din naman siya papayag na mag paiwan dito para lang sa akin. Tsaka ayoko mag paka-selfish.
"Parang di mo naman alam kuya eh. Aalis nga kasi tayo nextweek. Gusto daw niyang dito na lang daw tayo. As if, papayag si mom at dad." Narinig kong sabi ni helga.
Dinukdok ko na lang ulo ko sa cemented table dito at parang feel kong umiyak. Grabeng relationship naman na ito.
What a life nga naman. Hindi siya fair eh. Ngayon lang ako magkaboyfriend, sa long time crush ko pa, tapos di pa kami legal, Secret relationship lang. And then eto, patago na nga lang kami tapos di pa kami mag sasama sa christmas and new year. Haaay life!
"No need to frowned. Uuwi din naman kami agad eh. 2weeks lang kami dun. I'll text and call you every minute. Mag skype tayo if you want." Sabi sakin ni dale habang hawak hawak kamay ko.
Nandito kami ngayon sa garden dito sa school. Wala masyadong tao dito kaya okay lang naman siguro na mag holding hands kami.
Lalo tuloy akong napasimangot sa sinabi ni dale. Para naman kaming LDR neto. Long Distance Relationship.
"Haaay naku kuya. Hayaan mo muna siya. Mamaya okay na yan. Nag dradrama lang yan para mag paawa effect ng di tayo umalis." Bigla akong napatingin kay helga dahil sa sinabi niya. Nag papaawa effect ba ako? Hindi naman eh. Talagang malungkot lang ako.
"Hindi ah. Okay lang naman. Sabi mo nga nakasanayan niyo na, kaya wala na kong magagawa dun." Nangalumbaba na lang tuloy ako. Tumingin ako kay dale na nakatingin din sa akin.
"Bakit?" Unconciously kong hinawakan mukha ko at pinunasan gamit ang hanky ko.
"Meron pa? Uy ano?" Punas pa din ako ng punas sa mukha ko ng biglang pigilan to ni dale.
"Walang dumi. Mahihiya yung dumi na pupunta sa mukha mo." Tinignan ko siyang maigi and i gave him a 'what-do-you-mean' look.
He smiled at me and he tucked my hair behind my ears. Oh my god! Ganito yung mga nababasa ko sa books, mga napapanood ko sa movie. Simple gesture but really sweet for me. Napangiti na din tuloy ako.
BINABASA MO ANG
A Million Reasons To Love You
Ficção Adolescente"Why do you love me? Why do you still love me, eventhough we've been hurt each other alot?" I whispered and I look into his eyes holding both love and happiness. "What's really the reason, love?" I ask him seriously And he look at my eyes intently. ...