30 ❤❤❤ Problems

191 4 0
                                    

Hanne's pov

So far, so good.. Ilang linggo na din nakalipas simula nung debut ko. Sobrang saya nung time na yun. Natutuwa ako sa set up namin ni dale nung gabing yun. Oo nga at kami na talaga pero iilan lang nakakaalam pero nung gabing yun, naipakita namin sa iba na kami talaga. Pero ang alam nila, nag bibiruan lang kami.

Nag hahawakan kami ng kamay, mag sasayaw tapos mag yayakapan, hinahalikan ko siya sa pisngi tapos hahalikan niya ako sa noo. Yun yung unang beses na pakiramdam ko, legal na talaga kami sa iba.

Andun si kuya alex nung gabing yun. Actually, parang wala nga lang sakanya yung sweetness namin ni dale. Nung una, nag iingat pa kami kung paano kami maging sweet sa harap nila pero nung nag tagal na, hindi na din namin natiis at hinayaan na namin na maging sweet kami sa harap nila. Ngingiti ngiti ako habang nirereplay ko yung pangyayari nung gabing yun ng biglang may tumabi sa akin ng padabog.

"Nakakainis! Ugh!" Napalingon ako kay helga. Anong problema nitong babaeng to?

"Bwisit. Bwisit talaga. Bakit ang unfair ng life?" Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Pag yun na kasi ang line ni helga. Alam ko na, na may problema siya. Hindi ako nag salita, hinihintay ko lang siyang mag salita. Sigurado ako, hahampasin niya ng hahampasin ang braso ko pag sumingit ako sa kadramahan niya.

"Kung kailan naman ako nag ka-boyfriend, hindi ko pa makakasama ng pasko. Nakakainis!" Inuuntog untog ng mahina ni helga ang ulo niya sa lamesa dito sa bahay. Andito kasi ako ngayon sa garden. Christmas break na kahapon at wala na kaming pasok.

"Hindi ko na makakasama si marco babe ng Christmas sa US. Paano na yung plano namin na mag kikiss kami sa ilalim ng missletoe? Waaaah. Ang unfair nila dad at mom. Bakit si kuya pinag bigyan nila? Bakit ako hindi?"

Si marco kasi, sa US din mag spend ng Christmas break. Andun kasi mga kamag anak niya sa New jersey. Samantalang sila helga sa New York. Ilang oras lang naman din byahe papunta dun. Pareho naman silang east cost kaya bet na bet ni helga.

Napangiti ako sa pag mumukmok ng bestfriend ko. Alam ko na kasi yung dahilan eh.

Tumawag sa akin si dale kagabi. Pinayagan na daw siya ng dad and mom niya na dito mag Christmas and new year. Sobrang saya ko kagabi hanggang ngayon. Kaya nga kanina pa ako nakangiti dito.

Sabi kasi niya, napapansin daw niya na after nung birthday ko, nakikita daw niya akong nalulungkot. So, as a honest girlfriend. Sinabi ko sakanya yung dahilan. At yun nga, kagabi lang niya sinabi na dito sila this Christmas and new year. Yung grandparents daw niya ang pupunta dito dahil namimiss na daw nila ang pilipinas.

"Huwag kang ngingiti ngiti dyan. Kainis to!" Sabay hampas ni helga sa akin ng pamaypay niya. Hinawakan ko yun at masakit talaga eh. Siraulong babae to.

"Bes, masakit ah. Paano ka natatagalan ni marco? Ang sadista mo kaya."Inirapan ko lang siya nung Makita kong maluhaluha na mata niya. Ano ba talagang problema ng babaeng to?

"Oh ano? Ramdam mo na yung nararamdaman ko nun noh? Tapos sasabihin mo nag dradrama lang ako nun, paawa effect lang? Oh ano ngayon bes?" Sabay dila ko sakanya.

Akala ko hahampasin ulit niya ako pero bigla na lang siyang umiyak. Nataranta tuloy ako. Iilan lang pag umiiyak to eh. Very opposite nga kaming mag bestfriend diba? Kung ako mabait, siya maldita. Kung ako magaling mag luto, siya hindi, sa lasagne lang siya marunong. Ako iyakin, siya hindi. At madami pang pagkakaiba sa ugali namin.

"Bes naman. Tahan na oh. Please." Niyakap ko na lang siya. Ganun ba kabigat para sakanya na hindi kasama si marco sa Christmas at new year?

Hindi siya nag sasalita. Umiiyak lang siya. Pero hindi nag tagal tumigil na din siya. Basang basa na nga yung shoulder ko sa luha niya eh.

A Million Reasons To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon